CHAPTER - 03 ( Picture Of Him )

2.3K 305 203
                                    

YUNA....

Pati sila Kira at Elona ay di malaman kung paano ang gagawin sa cellphone ko na yon. Matapos ko kase yong icharge ay binuhay ko pero nahingi ng password. Birthday ko lang naman ang password na alam kong laging gamit pero hindi daw tama. Sabi ng screen. Maging ang laptop ay ganon din. At ang higit na nakakapagtaka ay kung bakit larawan ng isang lalaki ang lock screen ng cellphone ko. Maging ang laptop ay ganon din. Iisang lalaki ang naroon.

Namumukhaan ko ito. Ito din yun nasa photo sa wallet ko ah? Sino ba yon? Masyadong gwapo ang lalaki. Puro mga di nakangiti ang kuha at mukhang napilitan lang sa harap ng camera.

"Yuna sino yan? Ang gwapo ah?" Kinikilig na tanong ni Kira.

"H-ha? Ano model yan na crush ko kaya nasa wallpaper ko" mabilis kong pagdadahilan.

"Realy? Mukhang natural yung kuha eh," tila di makapaniwalang sabi pa ni Kira.

Kakainis, sino ba kase yon? Feeling ko talaga di sakin ang cp at laptop na yon.

"Paano mo yan magagamit di mabuksan ang password?" Tanong naman ni Elona.

Lumapit sa amin si Joyce at kunot ang noo habang tinitingnan ang lalaki sa wallpaper .

"Ang tanong kase sayo ba talaga yan?" Intregerang tanong ni Joyce.

Wala akong maisagot kase ako man ay naguguluhan kung akin ba talaga iyon o hindi.

"Joyce ano bang sinasabi mo? Malamang kay Yuna yan." Pagtatanggol sa akin ni Kira.

"Eh bakit di nya alam ang password? Baka naman kung saan mo lang yan kinuha ha? Pati yan cp at laptop mo, latest model. Sure kabang sayo yan?"

"O-oo" nagaalangang sagot ko. Akin ba talaga to?

Hindi na umimik ang babae at nahiga sa kanyang pwesto.

"Yuna alalahanin mo nalang ang password at baka nakalimutan mo lang" ani Kira.

"Salamat kira, Elona." Sabi ko sa dalawa.



Kinabukasan ay nagkaproblema ako dahil wala akong kadala-dala sa company kundi resume. Ayaw pa sana akong papasukin ng guard pero mabuti nalang at sinabi ko ang pangalan ni kurt Sanchez kaya agad nilang tinawagan ang lalaki.

"A-ano wala ka paring dala kahit isang ID?"

Yun ang tanong ni Kurt Sanchez sa akin habang kausap ako sa opisina nya. Nahihiya tuloy ako sa lalaki.

"Mahirap pong ipaliwanag kase hinahanap ko pa po yung pinsan ko. Nasa kanya kase ang mga requirements ko at ibang gamit"

"Paano yan? Kailangan namin ng valid info mo para ma- hired ka" anang lalaki.

"Baka pwedeng to follow nalang Sir. Ano bang work ko dito kung sakali?" Nahihiya kong tanong.

Malay koba kung pagwalisin lang ako dito? Aba di ako papayag. Sa amin nga ay di ako nagwawalis dito pa kaya?

"Wait lang--tawagan ko si Boss David. Sya kase ang magpapasya sa bagay na yan" ani Kurt.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now