CHAPTER - 53 ( Into The Forest )

1.7K 276 251
                                    

YUNA...

Dahil guilty ako sa nangyari sa asawa ay diko alam kung paano ito aalagaan. Naiiyak na naman ako kapag napapatingin sa ulo nya.

"P-paolo i'm sorry talaga," sincerely said.

"I'm okey sweetheart. Wag ka nang magalala. Matulog na tayo"

Kahit nakahiga na ay nagaalala parin ako sa lalaki. Pagising-gising ako at tinitingnan kung nahinga paba ito. Nakakahinga lang ako ng maluwag kapag nakikita kong buhay pa ang asawa.

Dahil sa puyat ay tinanghali ako ng gising. Nagtaka pa ako ng magising na wala na sa silid ang asawa. Napabalikwas ako ng bangon. Saka laglag ang balikat na napasimangot. Di manlang ako ginising. Dapat di muna ito nagtrabaho. Tskkk...

Nang dumating ang agahan ko ay kumain na ako at nagisip ng gagawin. Nakakainip kase sa barracks pag wala ang asawa. Kaya naisip kong lumabas at maglakad-lakad. Basta di ako pwedeng lumapit sa main site para di makagalitan ni Paolo. Pinagmasdan ko ang ginagawa nila mula sa malayo. Magdadalawang linggo palang pero dahil maraming tauhan ay halos may porma na ang ibang bahagi. Lahat ay may ginagawa. Ako lang yata ang wala.

Natigilan ako saglit ng maisip na matagal na ako don. Magdadalawang linggo na at darating na ang helicopter na every two weeks naka-schedule don. Kinabahan ako.. Baka pauwiin na ako ni Paolo. No! Hindi pwede... Dito lang ako kasama sya hanggang matapos ang project na yon. Namroblema akong bigla.

Bumalik ako sa barracks at tiningnan ang maleta ko. Iisip ako ng paraan para makapag-stay doon.

Nang hapong yon ay dina muna ako sumama kina Tristan papunta sa tabing dagat. Baka makasalisi pa si Stephanie. Kailangan ko pating kausapin si Paolo..

"B-baby.." Simula ko..

"Hmmm.."

"Baby ko.." Kumandong ako sa kanyang hita. Nakaupo sya sa kama at nagpapahinga.

"Ano na naman? Minsan yang baby na yan eh may ibang meaning, kung wala kang kailangan ay tiyak na may ginawa lang kalokohan." Aniyang hinihimas ang noo.

"Masakit ba ulo mo dahil sa sugat? Hihilutin ko" sa halip ay extra-sweet kong sabi. Umangat ako at minassage ang noo ni Paolo.

Natuwa ako ng tila nagustuhan nya yon. Umayos ito ng higa at pumikit. Napaupo ko sa tiyan nya. Kung kinakailangang ihampalang ko ang maputi kong hita ay gagawin ko.

"Paolo---b-baby.. Ahmm di naman ako nagpasaway diba? Inaasikaso kita tapos may ka- sex kapa sa gabi---"

"Anong sinasabi mo dyan?" Natatawa nitong tanong. Dumako sa sentido nya ang daliri ko at narinig ko ang ungol nya.

"K-kase ayokong umuwi sa atin, gusto ko dito lang ako kasama mo."

Nagmulat sya ng mata.

"Ah kaya napaka-lambing mo, una palang ay dina ako payag sa pagi-stay mo dito, pinairal mo lang naman ang tigas ng ulo mo kaya ka napaparito eh."

"Paolo i just want to be with you always." Maktol ko.

"May trabaho ang asawa mo Yuna. Mabilis lang naman ito. Mas maganda kung nasa bahay ka, dika maiinitan, kahit anong pagkain meron at dika maiinip." He said.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now