CHAPTER - 23 ( Our Money )

1.8K 286 179
                                    

YUNA...

Kinabukasan... Pagkaalis ni Paolo  ay dumating si Greg. Agad ko syang kinausap sa opisina ng asawa.

"M-maam ano po yung gusto nyong itanong?" May pagkailang na tanong nya.

"Mmm.. Greg alam mo kase.. Ahm diba may amnesia ako? Itatanong ko lang kung alam mo ba kung may pera ako?" Nahihiya kong tanong na ikinabigla naman ng lalaki pero na-gets naman nya agad ang punto ko.

"Maam bakit di kayo mismo ang magtanong kay Sir?"

"Eh kase ayokong malaman nya. P.A. ka nya at tiyak na alam mo ang kita ng kompanya. May share ba ako don ha?"

Tumikhim muna ito bago sumagot. Parang pinagpawisan ito ah.

"Bilang asawa ni Mr. Villaneva of course may share kayo don. After your marriage. Lahat ng pera at ari-arian ni Sir ay kahati po kayo, plus 80% of his salary ay sa inyo napupunta. May abogado po kayo na nagaayos ng lahat maam."

"Teka nalulula ako, ibig mong sabihin mas marami akong pera sa kanya? Kase gawa nong sahod nya eh" curious kong tanong. Napangiti naman ito.

"Opo, kung ang pagbabatayan ay ang sahod nya. Your husband pampering you a lot madam. Kaya lang nagkasakit kayo."

"Pero Greg ang itatanong ko sana ahm me sarili ba akong pera? I mean yung hindi hawak ni Paolo? Yung kahit bawasan ko di nya malalaman? Me ganon ba?"

Saglit itong nagisip.

"Maam ang alam ko wala naman pakialam si Sir kung magwaldas ka ng pera. Nalalaman naman nya yon pero asawa naman nya kayo kaya wag kayong matakot gumastos"

"Hindi mo kase naiintindihan, wala ba akong perang sarili?"

"Diko lang alam sa inyo maam, pero may savings kayo eh, ah i remember madam. Yung kinikita nyo sa Laine's garden, ang alam ko sa inyo lang yon"

Para akong nakarinig ng ringing bells sa sinabi nya. Kaya lang asan na ang pera ko?

"Greg paano kaya ako makakakuha ng pera mula don?"  Namomroblemang tanong ko.

"Pwede ko po kayong tulungan maam, magkano po ba ang kailangan nyo?" He asked.

"1 million"

Nanlaki ang mata ng lalaki sa sinabi kong presyo.

"G-ganong kalaki po? Aanhin nyo po madam? If you dont mind. Hindi nyo po mauubos yon sa pagsa-shopping lang," anito.

"Ay naku naman Greg hindi ako magsa-shopping, basta kailangan ko non. Tulungan mo ako" sabi ko.

"S-sige po" tila napilitang sagot nya.

Napangiti ako.

"Secret lang ha"









PAOLO...

"Really? 1 million?" Reaksyon ko matapos mapaamin si Greg sa dahilan ng pagpunta nya sa bahay.

Akala yata ng asawa ko ay may maiilihim sya. Parang biglang sumakit ang ulo ko. Hindi na talaga ako kokunsultahin ng asawa.

"O-opo Sir, hindi naman po nya sinabi kung saan gagamitin" ani Greg.

"Kailan pa kayo naging close ng asawa ko?" Naiinis kong tanong. Napapansin kong laging magkatext ang dalawa at kahit sabihin pa ni Greg na ako ang sadya ni Yuna ay nakakadama parin ako ng inis. Pwede naman kase syang dumerekta ng text sa akin pero dumadaan pa sya sa lalaki.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon