CHAPTER - 38 ( YLV-Jewels )

1.8K 290 253
                                    

YUNA...

Sabi ni Paolo pangatlong punta kona ito sa Japan. Pero tila bago sa akin ang lahat. Para akong nananaginip habang iginagala ang paningin sa buong tokyo. Mula airport ay sumakay kami sa isang luxury limousine car at muli na naman akong nabano sa loob non.

Parang nakalimot ako sa pilipinas. Ang sarap ng pakiramdam ko. Si Greg ay nasa tapat namin ay alam kong excited na rin sya. Saan kaya kami pupunta? Binalingan ko ang asawa na tahimik lang sa tabi ko habang nakaakbay sakin.

"P-paolo san tayo gagala? Gusto ko sana sa may snow. Para makapagpapicture ako." Kindat kopa kay Greg. Natuwa ito sa suggestion ko sa asawa.

"Sa isang araw nalang yan Sweetheart. May iba pa tayong gagawin. Kailangan mo muna pating magpahinga sa hotel." Sagot nya habang pinaglalaruan ang hood ko sa ulo.

"Ha? Okey lang ako hindi ako pagod." Sabi ko.

"Kailangan mong magpahinga at may pupuntahan tayo bukas." Saka nya binalingan si Greg. "Ayos naba ang lahat?" Tanong nito sa lalaki.

"O-opo Boss, naitawag kona kay Mr. Burman, he was expecting you mamaya sa dinner." Si Greg.

"Okey. Inform him na narito na tayo".

"Yes boss."

Sino naman kaya ang Mr. Burman na yon? Naku kahit sino pa to, ang importante malalapatan ang katawan ko ng snow. Ay!!! para narin akong nasa korea. Dapat complete winter outfit ako. Medyo malamig na nga, nag short pa kase ako. Si Paolo nga nagsuot na rin ng sweater. Nilalamig na ang tenga ko ah. Ay kinikilig ako. Di pa yon nangyari sa akin sa pinas.

Ilang minuto rin kaming nagbyahe bago nakarating sa hotel na tutuluyan namin. Kakaiba na ang lamig sa labas. Pagtingin ko sa kamay ko ay medyo mapula na yon. Kaya ng makarating sa suite ay agad akong nahiga sa malaking kama don. Epal naman yung vitamin ko. Nagsimula akong antukin. Kainis.. Panira ng moment.

Nabano na naman ako sa laki ng room na yon. May maliit na sala at terrace. Nasa mataas na bahagi kami at tanaw doon ang buong tokyo. Buti nalang may heater sa kwarto.

"Yuna bakit wala kang dalang pants? Sabi ko sayo malamig dito ah." Sita ni Paolo, nang tingnan ko sya ay binuksan na pala nya ang maleta namin.

"Sabi mo Jacket dalhin ko eh" katwiran ko. Ang totoo kase puro short ang dala ko. Hindi kase ako mahilig sa pants. Pero malamig nga pala talaga sa bansang yon. Nakakabano talaga ang klima.

"Anong isusuot mo mamaya pag didinner?"

"May dress naman akong dala dyan."

"Tskk..galing mong mangatwiran eh no?" Iling pa nya.

"Pwede na yan." Sabi ko. Inaantok na ako sa sarap ng heater. Pero napa mulat ang mata ko ng mapatingin sa bintana na kanugnog ng terasa don.

Umuulan ng snow.

Napabangon ako at lumabas don.  Shit ang ganda. Nakakamangha.. ang linis ng hangin at masasabi kong isa ang Japan sa pinaka magandang lugar sa mundo. Syempre di pa naman ako nakapunta sa iba hahaha..

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now