Chapter - 10 ( Away from Him )

2K 287 200
                                    

YUNA....

Sad pero wala manlang pang curl sa loob ng drawer ko. Kung magpa-salon naman ako ay matagal yon at wala nang oras. Next week nalang paguwi ko.

Dinala ko sa labas ang mga iginayak na gamit. Saka ko kinuha ang wallet sa bag na dati kong dala sa cavite. Binilang ko ang pera ko don. 18k nalang. Hala nung una ko tong bilangin 43k pa. Bakit ang bilis ko naman yata sa pera? Aabot pa kaya yun sa loob ng isang buwan? Sabagay malaki ang 18k kaya lang ang mahal kaya ng mga bilihin ngayon. Hmmpp.. Pero kaya yan. Di naman ako magastos.

Nang pumasok sa silid si Paolo ay nakita nya ang mga nakahanda kong gamit, nagsalubong na naman ang kilay nito.

"Parang don kana titira sa dami ng dala mo ah?" Puna nito na bahagyang nakasimangot.

"Ha? Kase wala akong gamit don, kaya iginayak ko na lahat ng kailangan ko" sagot ko dito.

"Ano bang trabaho mo don? Baka naman masyado kang magpagod sa kompanya na yon Yuna?" Nakapamaywang nyang tanong.

"H-hindi ah, assisstant ako don, assistant to the PA. At encoding lang halos ang gawa ko don" mabilis kong paliwanag. Saka tagatimpla ng kape ni Boss. Pero di kona idinagdag pa yon.

Malalim itong bumuntong hininga saka hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Sweetheart you dont have to work on that company. You belong here, with me.." Sabi nya saka sya naupo sa kama at hinila ako para mapaupo sa kandungan nya.

"T-tapusin ko lang ang kontrata ko don, then i'll stay here----with you!" I promised to him. Siguro naman sa 6 month na yun maalala kona si Paolo.

"Sabi ko naman sayo, kaya kong gawan yan ng paraan,---"

"P-paolo, gusto ko kase yon. Gusto kong mag work don, alam ko mayaman ka, pero iba naman yon sa gusto ko,"

Hayss diko maipaliwanag ng ayos kay Paolo. May something sa akin na diko maintindihan. I have an amnesia. I dont know him. Hindi ako handa sa mga pagbabago sa buhay ko. May bagay akong gustong hanapin sa sarili ko cause i feel empty.

Sa totoo lang di ko akalain na sa loob ng apat na taon ay nasa bahay lang ako ni Paolo Villanueva. Isipin ko palang na nakakulong ako sa mansyon na yon ay nahihirapan na akong huminga.

So its better na lumayo kahit konti sa asawa. To breathe... Kapag malayo ako sa kanya, don ako makakapagisip ng ayos. Isipin ang mga bagay-bagay. Nakakalungkot lang na mahal ko daw sya pero wala naman akong ibang madama sa dibdib ko para sa kanya.

Sa isip ko ay may isang mukhang pinipilit kong alisin. May asawa na ako at di tamang alalahanin parin ang taong yon pero lagi ko syang naiisip. May mga tanong ako na sya lang ang makakasagot. Pero paano ko sya makikita? Paano ko mapapauwi sa bansa si Tristan Villanueva?



Nang makarating kami ng cavite kasama si Samson at isa pang kotse na kinalululanan ng mga bodyguard. Isa pa yon sa ikinasasakal ko. Bakit kailangan may bodyguard? Pero di nalang ako nag protesta kanina bago kami umalis.

Dala ng dalawa nyang tao ang mga gamit ko paakyat ng boarding house na yon.

Naroon ang tatlo kong kaboardmate sa bahay ng dumating ako. Linggo kase yon at tiyak na walang pasok. Niyakap ako nila kira at Elona.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now