CHAPTER - 26 ( I'm His Wife )

1.9K 294 199
                                    

JOYCE...

Nakaka-bad trip talaga ang binatang yon. Sa pangalawang encounter namin ay lagi nalang nyang nasisira ang araw ko. Kasama ito sa mga VIP at malamang isa sa mga empleyado ng Villanueva Builders. Pero di ko nalang ito pinagtuunan ng pansin.

Knowing that He's here, Paolo Villanueva,  hindi ako mapakali. Akala ko nakalimutan kona sya pero hindi pa pala. Para akong tangang pabalik-balik mula sa taas hanggang dito sa baba at nagbabaka-sakaling makita ito kahit saglit lamang.

Naging maingay ang pangalan ng lalaki sa DMCC tulad sa Villanueva Builders marami na namang nahumaling sa lalaki. At lalo akong nagka-gusto dito. Sayang nga lang talaga at may asawa na sya.

Kanina usap-usapan si Yuna ng mga empleyado dahil kasabay daw kumain ng mga VIP at katabi pa daw ni Paolo. Of course she is the wife. Hindi pa siguro alam ng iba. Naiinis na naman ako kay Yuna. Ang babaeng yon na kahit anong pilit ko sa sarili na kaibiganin ay diko magawa dahil sa katotohanang ito ang nagmamayari sa lalaking iniibig ko.

Kung hindi dumating si Yuna sa boarding house namin, hindi kona sana makikita pang muli si Sir Paolo, hindi na sana manunumbalik ang pagibig ko sa lalaki. At higit na mas masakit ngayon dahil nakikita mismo ng aking mga mata ang babaeng mahal nya.

Natigil ang malalim kong pagiisip ng bigla ay lumabas ang mga VIP's sa conference room at parang lumukso ang puso ko ng makita ko si Paolo Villanueva kasama ng iba pa. With his authoritative look. Angat na angat sa lahat.

Dire-diretso silang naglakad sa hallway, alas tres na at marahil ay patungo sila sa cafeteria. But i saw him na lumapit sa table ni Yuna at nagpaiwan sa mga kasama. Nalungkot ako sa nakita, lungkot na may kasamang inggit at selos.

"Happy ending are for those people who has a good heart. Are you looking forward to it?"

Nanigas ang katawan ko ng marinig ang tinig na yon at bigla akong napalingon. Nakita ko na naman ang gwapong lalaki na yon na may nakakainis na paguugali. He is looking at Yuna and Paolo. Then saka nya ibinaling ang tingin sa akin.

Anong ibig nyang sabihin sa sinabi nya? Naiirita ako dito. Parang may ibang ipinapahiwatig ang mata ng lalaking ito sa akin. May pagbabanta don at hindi ko alam kung bakit para akong nakatitig kay Sir Paolo sa paglalapat ng mga mata namin ng lalaki. Pareho sila ng mata. Sino ba ito?

"W-what are you talking about?" May inis na tanong ko.

"Nothing. Gutom lang siguro ako, excuse me.." Ang sagot nito saka ako nilampasan.

Pinigil ko ang makadama ng inis ng mga sandaling yon. Dumeretso na ako sa department namin. Pagdating don ay nagkakaingay ang mga kasama ko. Anu paba ? di topic na naman si Yuna.

"Totoo kaya yon? Asawa daw yun Mr. Villanueva. Akala ko gf ni Sir DM."

"Kaya pala Villanueva ang naka-record dito eh"

Napalapit sila kay Chloe ng sabihin yon. Si Chloe ang nagaayos ng requirements ng mga contructual employees.

"Shit oo nga. Pero walang sinabi na married."

"Yup, pero anu pabang pwedeng maging dahilan non? Isa pa may VIP ID sya."

"Ha? Totoo"

"Yup, tara baba tayo at kumain ng makita natin"

Napailing nalang ako sa mga ingay nila.






YUNA...

AKALA ko galit pa rin si Paolo sa akin kaya ng sumapit ang break time nila ay nagulat ako ng lapitan nya sa table. Magisa lang ako don dahil may ipinagawa si Sir Kurt kay Sonia sa taas.

Ang lalaking Mahal Ko Raw? ( SELF PUBLISHED )Where stories live. Discover now