Gabriel Robles (15)

3.4K 223 36
                                    

You're Not My Brother

Season 1 Finale

Episode 15

Gael

Maagang natapos ang huling subject namin dahil natapos na namin ang lahat ng kailangan idiscuss para sa paparating na midterm exam.

Nauna nang nagsilabasan ang mga kaklase ko. Halos iilan na lamang kami sa loob nang mapasulyap ako kay Kazu na papalabas na rin sa classroom.

Nakadama ako ng pagkailang dahil kakaiba ang mga tingin na ipinukol niya sa akin.

Hindi ako palakaibigan na tao kaya halos wala rin naman akong nakakausap kahit sa classroom.

Si Kazu lang noong una ang nakita ko na maaring makakasundo ko pero mula nang matapos ang preliminary examination namin ay naramdaman ko na umiiwas na siya sa akin lalo na sa tuwing kasama ko si Kevin.

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng isang iyon pero wala akong pakialam kahit pa habangbuhay na niya akong hindi kausapin.

Kahit si Red ay bihira na lang din makapasok sa klase dahil abala sila sa basketball practice.

Papalabas na rin sana ako nang bigla akong tawagin ni Jelaine. Classmate ko siya sa subject na ito.

"Gusto ko lang sanang itanong kung willing ka na magtutor ng math." palakaibigan na tanong niya.

"Hindi ko alam kung maisisingit ko pa iyon. May trabaho kasi ako after ng school." kalmadong sagot ko.

"Magbabayad naman yung tututuan mo. Kahit twice a week lang kayo magsession. Kailangan na kailangan lang talaga ng kaibigan ko." sabi niya.

Napaisip ako sa offer niya. Pero magmumukha akong pera kung tatanggapin ko iyon kaya nagpasya ako na tumanggi.

"Pasensya ka na..."

"Please, Gael. Hindi naman mahirap turuan ang magiging estudyante mo. Kailangan lang talaga niyang makahabol sa mga napag-iwanang subjects niya." pangungulit niya na hindi na pinatapos ang tangka kong pagtanggi.

Sumulyap ako sa relo ko. Kung pahahabain pa ng babaeng ito ang usapan namin ay baka ma-late ako sa trabaho.

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga saka ko siya tiningnan. Naghihintay siya sa isasagot ko.

"Pag-iisipan ko muna kung kaya pa ng schedule ko. Kailangan ko nang umalis. May pasok pa ako sa coffee shop." paalam ko sa kanya.

"Sana i-consider mo ang offer ko. Kung magbago ang isip mo ay tawagan mo lang ang contact number na ito." pahabol niya saka niya inabot sa akin ang isang maliit na papel.

Kinuha ko naman iyon saka ko ipinasok sa bulsa ng bag ko pagkatapos ay nagmadali na akong magtungo sa coffee shop.

Dahil weekend na ay marami ang customers sa shop. Hindi kami nagkaroon ng maraming libreng oras at pagkauwi ko ay nakakaramdam na ako ng pagod.

Naabutan ko si Red na naglalaro ng mobile games sa sala. Napasulyap pa siya saglit sa akin saka siya nagtanong kung kumain na ba ako.

Sa loob ng halos apat na buwan na magkasama kami ay para kaming mga aso't pusa na dalawa dahil masyado siyang makulit at napakahilig mang-inis.

Kadalasan ay napipikon ako sa sobrang pagkachildish niya.

Ngunit bumabawi naman siya sa tuwing ginagawan niya ako ng mga kalokohan.

Medyo dumalang nga lang ang pagkikita namin sa nakaraang buwan dahil busy na siya sa practice nila at ako naman ay halos gabi na rin nakakauwi dahil sa trabaho.

You're Not My Brother (On-Going) Where stories live. Discover now