Redentor Serrano (38)

1.5K 138 24
                                    

You're Not My Brother

Episode 38

Red

Sabado ng umaga ay naging bisita namin sina Aileen at Dad sa unit ko. Hindi pa kami nakakapag-almusal ni Gael ay naroon na sila sa pagkainis ko.

Hindi na ako nakaangal nang papasukin na sila ni Gael at kahit hindi ako kumporable ay kasabay namin silang nag-almusal.

Nakita ko kung gaano kaalaga si Aileen sa anak niya. Hinahayaan na siya ni Gael ngayon na magpakaina sa kanya.

Pero nang ako na ang pinagsisilbihan niya at mabilis akong tumanggi. "Kaya ko." sabi ko saka ko kinuha sa kanya ang pitsel na hawak niya at ako mismo ang naglagay ng tubig sa baso ko.

Nawala ang matatamis na ngiti niya na dulot ng paglambot ni Gael sa kanya. Nakita naman iyon ni Dad kaya pinagalitan na naman ako na ipinasok ko lang sa kabilang tenga at inilabas ko sa kabila.

Wala ako sa mood para makipagdiskusyunan sa kanya ngayon. Dahil ang isip ko ay abala sa pag-iisip ng paraan para mapigilan ko ang pagpunta ni Gael sa Cavite.

Hindi ako mapapanatag na lumipas ang isang buong araw na hindi ko siya makakasama. Hindi naman ako maaaring sumama doon dahil sigurado na mahahalata na nila na may namamagitan sa amin ni Gael.

Hanggang sa makaalis sila ay wala akong nagawa kundi ang mapasipa na lang sa sofa dahil sa sobrang inis ko.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa basketball at upang makapagpapawis na rin ako. Nagkita pa kami Dale doon pero hindi man lang ako sinulyapan ng gago.

Pero hindi ako papayag na magkasira kami nang tuluyan dahil lang sa pride. Kaya nang matapos ang game ay sinadya ko na abangan siya sa locker room.

Napahinto pa siya nang makita niya ako doon bago niya ako nilampasan at dumiretso na siya sa locker niya upang kumuha ng towel at brief na isusuot niya.

Sinundan ko siya doon daka ko siya sinimulang kausapin. "Dale,"

Hindi niya ako pinansin at nagtangka siya na magtungo na sa shower room pero pinigilan ko siya at iwinaksi niya ang braso niya.

"Hindi kita gustong makausap ngayon, Red." angil niya.

"Hindi natin maaayos ang problema natin kung hindi tayo mag-uusap. Ano to mag-iiwasan na lang ba tayo palagi?"

Huminga ako saka ko siya hinarap. "Matagal na tayong magkaibigan, Dale. Ayoko na magkasira tayo nang ganito lang."

"Alam mo hindi naman problema sa akin kung bakla ka eh. Kaibigan pa rin kita. Gusto mo si Gael? Hindi kita pinigilan dahil alam ko na doon ka magiging masaya. Pero napahamak si Serene dahil sa kanya at wala ka man lang ginawa. Muntik na akong mawalan ng anak dahil sa stepbrother mo."

"Hindi niya sinadya iyon." diin ko sa kanya. "Dale, makinig ka. Huwag na sana tayong aabot pa sa punto na magiging magkaaway tayo dahil lang sa nagawa ni Gael. Hindi naman niya sinadya iyon."

"Sinadya man niya o hindi ay kasalanan pa rin niya ang nangyari." sagot niya.

"Kung hindi mo mapatawad si Gael. Kahit ako na lang. Hindi naman sapat na dahilan ang nangyari para magalit ka sa akin nang ganyan. Dale, ikaw ang kakampi ko sa lahat ng laban ko mula pa noon. Ikaw ang bestfriend ko. Hindi ko papayagan na pati ikaw ay mawala pa sa akin."

Tinitigan niya ako na tila ba sinusubukan niya ang sinseridad ko. Halos ilang sandali rin kaming tahimik lang na nakatingin sa isa't isa.

Hanggang sa nakita ko ang paglambot ng anyo niya. Saka niya ako niyakap ng mahigpit.

You're Not My Brother (On-Going) Where stories live. Discover now