Redentor Serrano (21)

3.1K 218 56
                                    

You're Not My Brother

Episode 21

Red

Mabilis na lumipas ang mga araw. Bago ang christmas break ay naganap ang preliminary examination namin para sa second semester.

Inasahan ko na kasama kong magpapasko si Gael dahil sa trabaho niya sa coffee shop pero nagulat na lamang ako nang maabutan ko sa ibabaw ng kama ang duffle bag niya.

Matagal akong tumayo sa may pintuan at mataman kong tinitigan ang mga iyon bago ako nagpasya na lapitan at icheck ang laman.

Marami siyang damit na nakalagay sa loob na ipinagtaka ko.

Hindi ko na lang sinipot si Dale sa usapan namin. Nagtext na lang ako sa kanya pagkatapos ay sinadya ko talaga na hintayin si Gael na makauwi.

Kahit na nababagot na ako sa kakahintay sa kanya ay talagang nagtiyaga ako dahil ayoko na masayang ang pagkakataon. Kung uuwi siya ay sasamahan ko siya kahit pa makaharap ko ang tatay niya.

Ngunit lumipas ang mahabang sandali na paghihintay ko ay wala pa rin siya. Pagdating ni Gael ay bubungangaan ko talaga siya dahil naiinis na ako.

Hanggang sa nakaidlip na ako at lahat ay wala pa rin siya. Sumulyap ako sa wrist watch ko. 10:26PM.

Mas lumalim pa ang gabi at halos dalawang oras pa ang hinintay ko bago siya dumating.

Nagulat pa siya dahil inabutan niya ako sa sala na nanonood ng tv.

Nakasimangot ako na tumayo saka ako naglakad palapit sa kanya. Nagtatanggal na siya ng sapatos at hindi niya nakikita ang busangot kong mukha.

"Ginabi ka na yata?" yamot na usisa ko.

"Nagkaroon lang ng kaunting celebration sa shop. Last day ko kasi sa trabaho kaya nagrequest sila ng advance christmas party." sagot niya.

Gago talaga. Hindi man lang ba niya nahalata ang sarcasm sa tono na ginamit ko?

Naglakad na siya patungo sa silid niya. Naglakad din ako saka ko siya sinundan hanggang sa loob.

Naabutan ko siya na ibinababa mula sa kama ang mga gamit niya.

"Bakit nasa bag na ang mga gamit mo?" seryosong tanong ko sa kanya. Nakakunot ang noo ko habang hinihintay ko ang sagot niya.

Nagtanggal siya ng tshirt saka niya kinuha ang tuwalya niya. Tang-ina! Iniiwas ko na lang ang tingin ko palayo sa hubad na katawan niya upang hindi na ako matukso.

Baka mamaya kapag hindi ako nakapagpigil ay magahasa ko pa siya.

"Nagpaalam na ako sa coffee shop. Gusto kong makasama ang tatay ko sa darating na pasko." sabi niya.

Sa narinig ko ay nabawasan ang inis ko. Mabuti pa siya ay naiisip ang bagay na iyon samantalang ako ay ang makasama si Dad ang pinakahuling bagay na papasok sa isip ko.

Muli kong ibinalik ang tingin ko sa kanya. Ilang sandali ko siyang pinagmasdan hanggang sa naglakad na siya palabas sana ng pinto.

Pinigilan ko ang braso niya gamit ang kamay ko. Nakakapaso ang init na nagmumula sa balat niya ngunit ayokong alisin doon ang kamay ko.

"Sama mo ko." sambit ko.

Napahinto siya sa pagpihit ng doorknob. Lumingon siya sa akin. Magkasalubong ang magagandang kilay niya.

Tang-ina. Pati kilay niya napapansin ko na. Ganun na ba talaga ako kabakla sa kanya? Holyshit! Nakakagago na talaga to.

Hindi ko inasahan na darating ang araw na ito na ang isang tulad ko na basagulero at napakatinik sa babae ay mababaliw nang ganito sa kapwa ko lalaki.

You're Not My Brother (On-Going) Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt