Kazu Serrano (13)

3.8K 234 20
                                    

You're Not My Brother

Episode 13

Kazu

"Lukot na naman yang mukha mo." sabi sa akin ni Dale nang maabutan niya ako na nakatambay mag-isa sa coffee shop na madalas naming gawing tambayan malapit sa school.

"Huwag mo na lang akong pansinin." sagot ko na may kaunting pagkainis sa tinig. Dinampot ko ang frappe na inorder ko saka ko na sinimulang inumin.

"Kunsabagay kahit ako ay napapansin ko ang pagiging malapit niya ngayon dun sa stepbrother niya." komento niya habang abala siya sa pagkalikot sa cellphone niya.

"Hindi ko rin inasahan na magkakasundo ang dalawa na yun. Kilala natin pareho si Red. Mainit ang dugo niya doon sa Aileen." dugtong pa niya.

Hindi ako kumibo. Nagpakawala lamang ako ng isang buntong hininga saka ako tumanaw sa labas ng coffee shop. Nagsisimula nang dumilim sa labas.

Napailing na lang ako saka ako muling humarap kay Dale.

"Ewan ko. Hindi ko alam." malungkot na sagot ko sa kanya. "Kayo lang ni Red ang meron ako, Dale. Hindi tama na pagselosan ko ang closeness nila ni Gael pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Nasanay ako na palagi siyang nasa tabi ko mula pa noong mga bata kami. Kaya hindi ko inasahan na darating ang araw na ito na mababaling na sa iba ang atensyon niya."

"Hayst! Huwag ka nang malungkot diyan. Nandito pa rin naman ako. Hindi kita pababayaan." sabi niya saka siya mabilis na lumipat sa tabi ko. Inakbayan niya ako saka niya ako kinonsola.

"Busy lang talaga ngayon si Red. Diba simula na ng practice nila sa basketball team? Samahan mo na lang ako. Maghanap tayo ng mga sexy at magagandang chicks sa bar." sabi niya saka siya masiglang tumawa.

Sinundot pa niya ang tagiliran ko gamit ang hintuturo niya dahilan upang halos mapatalon ako sa gulat. Alam ni Dale na malakas ang kiliti ko doon kaya sinasamantala ng loko loko.

Tinulak ko siya palayo dahil baka ulitin na naman niya ang pagkiliti sa akin. Tumatawa naman siya na lumayo ng bahagya.

"Samahan mo na lang ako. May alam akong bagong massage parlor. Sobrang hot daw ng mga babaeng masahista doon." sabi niya.

I rolled my eyes.

"Pwede ba, Dale. Alam mo na ikaw lang ang mag-eenjoy sa mga naiisip mo na yan." sabi ko.

Natawa naman siya. Alam ni Dale na sa lalaki ako nagkakagusto. At nagpapasalamat ako dahil kagaya ni Red ay tinanggap niya rin ako kahit na ano pa ang kasarian ko.

Lumapit na naman sa akin si Dale saka siya bumulong sa tenga ko. "Sabi nung kakilala ko, mga gwapo at magaganda rin daw ang mga katawan ng mga lalaking masahista doon. Sigurado na mag-eenjoy ka rin kapag sumama ka sa akin."

Nanlaki ang mga mata ko saka ko siya tinulak muli palayo. "Tigilan mo nga ako. Kinikilabutan ako sayo. Hindi ako mahilig sa mga masahista na sinasabi mo." inis na sabi ko sa kanya.

Humalakhak ang walanghiya. Naagaw tuloy niya ang pansin ng ibang customers sa shop. Nakakahiya.

Muli kong dinampot ang frappe ko at akmang isusubo ko na ang straw nang mapadako ang tingin ko sa may counter area.

Nakatitig sa akin ang isang pamilyar na lalaki. Hindi ko makakalimutan ang mukha na iyon. Siya lang naman ang mapangahas na bartender na humalik sa akin.

Hindi ko siya nakita doon nang umorder ako kanina. Hindi rin siya ang nagserve sa akin ng frappe ko.

Sa school ay sinisikap ko na siyang iwasan pero hindi ko inasahan na barista din pala siya dito. Madalas ako sa shop na ito pero bakit ngayon ko lang siya nakita?

You're Not My Brother (On-Going) Where stories live. Discover now