Gabriel Robles (16)

3.2K 229 43
                                    

You're Not My Brother

Episode 16

Gael

"Naghihintay ako ng paliwanag mo, Gabriel." sabi ni mama habang magkaharap kami sa sala.

"Kung ano man ang nasa maruming pag-iisip mo ay kalimutan mo na iyon." sagot ko nang hindi man lang siya sinusulyapan.

Nakatanga lang ako sa labas ng glass wall. Walang partikular na bagay na tinitingnan.

Naramdaman ko ang paghugot ni mama ng malalim na paghinga pagkatapos ay ginagap niya ang kamay ko. Sumulyap ako sa kanya.

"Hindi kita nababantayan dahil may mga inaasikaso kami ni Darius. Pero huwag mo sanang iisipin na wala na akong pakialam sayo. May pakialam ako dahil anak kita at mahal kita. Kung may problema ka... o kung nagkakaproblema ka kay Tor ay maaari kang magsabi sa akin."

Hindi ko siya sinagot. Wala naman dapat sabihin sa kanya dahil kahit papaano ay hindi naman masamang tao si Red. May pagkagago siya oo. Pero hindi siya masama.

"Nakita ko kanina na pinupwersa ka niya. Sabihin mo nga sa akin. Sinasaktan ka ba ng kapatid mo?" seryosong tanong niya.

Mabilis kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya saka ko siya mabilis din na sinagot.

"Ma, hindi ko siya kapatid." nanlalaki ang mga mata na sabi ko. "At hindi rin niya ako sinasaktan kagaya ng iniisip mo. Walang dahilan para gawin niya iyon."

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Nakatitig lamang sa akin si Mama. Tila ba nahulog siya sa napakalalim na pag-iisip. Hanggang sa...

"Siguro nga ay nagkamali kami ng desisyon noon ni Darius na pagsamahin kayong dalawa sa iisang unit. Masyado siyang naspoil ng kanyang lola kaya ngayon ay lumaking suwail sa ama at palagi na lamang nasasangkot sa mga kalokohan. Nakulong pa iyan noong kakasimula pa lang ng semester na to. Kaya kakausapin ko mamaya si Darius na kung maaari ay ihanap ka na lang namin ng sarili mong unit." mahabang litanya niya.

Hindi ko maintindihan ngunit nang marinig ko ang mga huling kataga na binanggit niya ay nakadama ako ng matinding disappointment.

Bakit bigla na lamang ay parang nagsisikip ang dibdib ko maisip ko pa lamang na paghihiwalayin na nila kami ni Red.

Oo tarantado siya. Madalas akong mapikon sa mga kalokohan niya. Pero sa loob naman ng mahigit tatlong buwan ay nasasanay na ako sa ugali niya.

Sa likod ng ipinapakita niyang katapangan at mga katarantaduhan na pinaggagagawa niya ay nakikita ko na may mabuti siyang kalooban at may mga kinikimkim siyang problema sa dibdib niya na hindi niya mailabas.

Si Red din ang tipo ng tao na gagawa ng kalokohan pero kaagad din naman niyang binabawian ng kabutihan. Kaya kahit na madalas ay naiinis ako sa kanya, hindi pa rin nakakaligtas sa akin ang mga simpleng kabutihan na taglay niya.

"Hindi mo na kailangan gawin iyon. Maayos kami ni Red dito. Hindi naman siya nagrereklamo na kasama niya ako kaya wala na ring silbi kung ihahanap niyo pa ako ng ibang matitirahan." sansala ko sa mga paratang niya kay Red.

"Nasa legal age na rin naman ako, Ma! Kung magkakaroon man ako ng problema sa pagtira ko dito ay ako na mismo ang maghahanap ng ibang matutuluyan ko. Hayaan mo akong maging independent. Hindi ako kumportable na nakikinabang ako sa pera ng bagong asawa mo. Hindi niya ako anak at buhay pa ang tatay ko. Huwag mo naman siyang tanggalan ng silbi sa buhay ko. Kahit wala siyang pera ay tatay ko pa rin siya." puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya.

"Hindi ko siya tinatanggalan ng silbi, Gabriel. Gusto ko lang na makita mo ang katotohanan na mas mapapabuti ka kung sa akin ka sasandal. Hindi sa minamaliit ko si Raul. Pero hamak na maglulugaw lang siya at wala siyang magandang plano sa buhay."

You're Not My Brother (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon