Gabriel Robles (9)

4.2K 243 30
                                    

You're Not My Brother

Episode 9

Gael

Naiinis pa rin ako habang tinatahi ko ang mga butas ng uniform ko. Hindi naman maikakaila na si Red ang may kagagawan nito. Naramdaman ko ang kamay niya kanina.

Pero para wala na lang mahabang usapan ay minabuti ko na hayaan na lang siya. Gawin niya kung ano ang gusto niya.

Kung masaya siya sa ginagawa niyang pambubuwisit sa buhay ko ay pababayaan ko siya. Pero may hangganan din ang pasensya ko. Sana ay hindi na umabot sa punto na talagang mapipikon na ako sa kanya.

Napahinga na lang ako ng malalim saka ko na sinikap na tapusin ang pagtatahi ng mga butas na parte.

Hindi ko pa kayang bumukod sa mga sandaling ito dahil hindi pa ako nakakahanap ng trabaho.

Sa ngayon ay kailangan ko lang munang tiisin ang pagka-childish ni Red kung gusto ko na manatili sa unit na ito. Pero sa oras na kaya ko na ay lalayasan ko ang siraulong lalaki na iyon.

Habang tinatahi ko ang huling butas ay bigla na lamang pumasok sa isip ko ang nakangising anyo ng demonyito kong stepbrother.

Natusok ko tuloy ng karayom ang daliri ko dahilan upang mapadaing at mapamura ako.

Nagulat pa ako nang bigla na lang may humawak sa kamay ko. Mabilis niyang inilagay sa bibig niya ang daliri ko saka niya bahagyang kinagat upang lumabas ang dugo.

Para naman akong tinamaan ng malakas na boltahe ng kuryente kaya mabilis kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Red.

"Haist! Bakit ba kasi tinatahi mo pa yan?" tila frustrated na sermon niya.

Tiningala ko siya saka ko sinalubong ang makahulugang tingin niya habang nakakunot ang noo niya.

"Kagagawan mo to diba? Kung di mo ginupit hindi sana ako magtatahi." inis na sagot ko.

"Uhh! Isa lang ba ang uniform mo? Bakit mo ba pinagtiyatiyagahan pa na tahiin yan?" muli ay parang nanenermon na sambit niya.

Nailing na lang ako saka ko na ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
Ilang sandali ang lumipas na nakatingin lang siya sa akin bago siya muling nagsalita.

"Seryoso?" tila hindi makapaniwala na tanong niya.

Hindi ko na lang siya pinansin. Ilang sandali pa siyang nanatili na nakatayo doon at pinagmamasdan lang ako bago siya nagpasya na pumasok na lang sa silid niya.

Makalipas ang halos dalawang minuto ay muli siyang lumabas saka niya inilapag sa mesa ang tatlong polo niya.

Napatingin ako sa mga iyon bago ako nag-angat ng tingin sa kanya.

"Sayo na lang yan. Bago pa yan ah. Hindi ko pa naisusuot." tila maamong tupa na sabi niya pero nararamdaman ko pa rin ang kaangasan niya.

Tumayo ako saka ko dinampot ang mga uniform na inilapag niya sa mesa. Kinuha ko ang isa saka ko siya sinulyapan.

"Kukunin ko to. Ibalik mo na sa closet mo yung iba. Hindi ko kailangan yan." masungit na sabi ko.

Dinampot ko ang lumang polo ko na puno ng tahi saka ko inihagis sa mukha niya.

"Sayo na yan. Suotin mo kung gusto mo." sabi ko.

Hindi ko na siya hinintay pa na makasagot. Naglakad na ako patungo sa silid ko bitbit ang bagong polo na galing kay Red.

Isinabit ko iyon sa hanger sako ko ipinasok sa cabinet. Napalingon pa ako nang bigla na lang pumasok si Red.

Dumiretso siya sa kama saka niya ibinagsak ang katawan niya doon.

You're Not My Brother (On-Going) Where stories live. Discover now