Gabriel Robles (11)

3.8K 285 62
                                    

You're Not My Brother

Episode 11

Gael

Kasalukuyan akong nagpapainit ng tubig nang tumunog ang doorbell.

Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko saka ko sinilip sa peephole ang bisita namin ng ganito kaaga.

Napaisip pa ako sandali bago ako nagpasya na buksan ang pinto.

Mabilis siyang naglakad papasok at inilagay niya sa sofa ang mamahalin niyang bag.

Napapatanga na lang ako habang isinasara ko ang pintuan.

"Itinawag sa akin ng school mo ang nangyari sayo nung nakaraan. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Nagtungo ako dito kahapon pero walang nagbubukas ng pinto. Nasaan si Tor?" mahabang litanya niya.

"Hay! Natutulog pa siya. Napakaaga pa, Ma!" medyo iritadong sagot ko.

"Hayaan mo siya at nang makapagpahinga siya." aniya sa mababa nang tinig.

Kumulo na ang tubig kaya nagtimpla na ako ng kape. Ipinagtimpla ko ma rin siya para kahit papaano ay hindi puro sermon ang aatupagin niya.

Maghapon akong nag-stay dito sa unit sa pag-aakala na maaga kang darating.

Nagsalubong ang mga kilay ko. Kung totoo na narito lang si Red kahapon, bakit hindi niya pinagbuksan ng pinto si Mama?

"Saan ka nagbulakbol kahapon? Bakait wala ka dito nang magpunta ako?" tanong niya na muli na namang naging hyper ang tono.

"Ma! Doon ako nagpalipas ng maghapon sa apartment ni Kevin. Bakit ba kayo nandito?" naiiritang sagot ko sa kanya.

"Bakit? Wala na ba akong karapatan na dalawin ka dito? Ayusin mo yang ugali mo. Wala ka na sa probinsiya."

"Sana nga doon na lang ako. Mas gusto ko pa doon." naiinis nang sagot ko sa kanya.

Isang malakas na sampal ang mabilis na dumapo sa pisngi ko.

"Huwag mo akong artehan nang ganyan, Gabriel. Gusto mo doon? Ano ang ipapakain sayo ni Raul? Lugaw?" matapobreng sagot niya.

"Mas gugustuhin ko pang kumain ng lugaw araw araw kesa magpakasasa ako sa yaman ng bagong asawa mo."

Akma na naman siyang mananampal kaya napapikit ako pero hindi iyon dumapo sa mukha ko.

Marahan akong nagmulat at nakita ko ang pagpipigil ng galit ni Mama.

"Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko sayo. Nasabi kang matalino pero yung paraan ng pag-iisip mo ay kagaya lang ng sa tatay mo. Hindi ka aasenso sa ganyang mindset."

"Hindi bale nang hindi ako umasenso basta hindi ko lang natamasa iyon sa hindi tamang paraan."

"Hrrrrrghh!" nanggigigil na hiyaw ni Mama saka niya ako sinabunutan. "Sira ulo ka Gael, sira ulo ka!"

Ilang sandali pa ay huminto na siya sa pagsabunot sa akin. Disappointment ang nakita ko sa magandang mukha niya habang nakatitig siya sa akin.

Gusto ko nang maiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko.

"Sira ulo na kung sira ulo. Pero hindi ko talaga kaya ang ginagawa mo. Hindi ko kayang gastahin ang pera na galing sa asawa mo. Hindi ko pa ginalaw ang binigay mo sa akin."

Nailing na lang siya saka niya ako muling pinagmasdan sa disappointed na paraan.

"Hindi ko alam kung paano ka pinalaki ni Raul. Pero sa nakikita ko ay hindi ka niya napalaki nang maayos. Nilalamon ng pesteng prinsipyo ninyo ang utak ninyo. Hindi iyan makakabuti sayo. Matutulad ka lang sa ama mo. Mahina at walang diskarte sa buhay."

You're Not My Brother (On-Going) Where stories live. Discover now