Gabriel Robles (17)

3K 223 26
                                    

You're Not My Brother

Episode 17

Gael

Madilim na nang makauwi ako sa unit. Hindi na rin ako nakapasok sa trabaho dahil sa eskandalo na ginawa ni Red kanina.

Hanggang ngayon sa tuwing naaalala ko ang nangyari ay nag-iinit pa rin ang ulo ko sa kanya. Ngunit hindi ko naman siya maaaring pabayaan na lamang na ma-expel.

Kaya kanina ay kaagad kong tinawagan si Mama kahit labag sa loob ko. Kaagad naman siyang nagtungo sa school na ikinagalit sa akin ni Red.

Hindi ko raw dapat tinawagan ang nanay ko dahil kaya raw niyang lusutan ang mga gusot na pinapasok niya nang walang tulong mula sa daddy niya at kay mama.

Dinaanan ko lang sandali sa ospital si Josh at humingi na rin ako ng paumanhin dahil sa ginawa ni Red.

Ngunit wala raw siyang balak na palampasin ang nangyari. Nagbanta pa siya na ipapakulong niya si Red na ikinadismaya ko.

Gayunpaman ay hindi ko siya sinisisi kaya hindi ko ka ipinilit pa ang pakiusap ko sa kanya. Kaya lang ay nag-aalala ako para sa stepbrother ko.

Dala ang masamang balita ay nagpasya na lamang ako na bumalik sa condo.

Madilim sa buong unit nang makapasok ako doon. Binuksan ko ang ilaw at nakita ko si Red na nakaupo sa sahig.

Nasa gilid siya ng glass wall. Nakatanaw sa mga citylights at may hawak na beer.

Sa paligid niya ay may mga nagkalat din na iba pang bote ng beer.

Ilang sandali akong nanatili sa kinatatayuan ko. Walang ibang maririnig sa loob ng unit kundi ang tunog ng aircon.

Pinagmasdan ko si Red sa loob pa ng ilang sandali. Hindi siya nagtangka man lang na lingunin ako kahit pa naramdaman na niya ang pagpasok ko.

Humakbang ako palapit sa kanya saka ko inagaw mula sa kamay niya ang bote ng beer na lalagukin na sana niya.

Nakita ko na ngumiti siya nang mapakla ngunit hindi pa rin siya sumusulyap sa akin.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ko ginawa iyon?" bigla ay seryosong tanong niya habang nakatanaw pa rin siya sa labas.

"Hindi na kita kailangan tanungin pa. Ginawa mo yun dahil gago ka." sarkastikong sagot ko sa kanya.

Natawa siya saka siya bumulong. "Right!" aniya.

Nakangiti siya ngunit ang nakikita kong emosyon sa anyo niya ay disappointment.

Inilapag ko sa sofa ang mga gamit ko saka ko dinampot ang mga nagkalat na bote ng beer. Itinabi ko ang mga iyon. Kasama ang inagaw ko mula kamay niya ay labing anim na bote na lahat ang nainom niya.

Nakita ko na nagtangkang tumayo si Red pero mabuway na ang katawan niya kaya napaupo siya ulit.

Nagtangka na naman siyang tumayo ngunit hirap siya dahil sa sobrang kalasingan.

Mabilis ko siyang dinaluhan saka ko siya inalalayan upang makatayo. Pero tinulak niya ako palayo.

"Bitawan mo ko. Kaya ko ang sarili ko." galit na sabi niya. Nakikita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatitig siya sa akin.

"Layuan mo yung tarantadong Josh na yun kung ayaw mong mapahamak ka nang dahil sa kanya." sambit niya sa mahina ngunit galit pa rin na tono.

"Bakit naman ako mapapahamak?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

Ngunit hindi niya ako sinagot. Sa halip ay sinikap niya na makatayo.

Kumuha siya ng suporta sa kung anumang bagay na mahawakan niya saka na siya naglakad patungo sa silid niya. Sinundan ko na lang siya ng tingin saka ako napailing.

You're Not My Brother (On-Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon