Gabriel Robles (26)

2.3K 191 54
                                    

You're Not My Brother

Episode 26

Gael

Napakurap ako nang sa wakas ay nabuksan ko na ang main door ng unit.

Kagaya ng nakita ko sa imagination ko ay nakahubad baro si Red at kitang kita ko kung gaano kaganda ang hubog ng kanyang katawan.

Ngunit hindi kagaya ng naimagine ko kanina ay hindi siya nagki-kick boxing. Nakaupo lang siya sa may dining area. Nakapikit ang mga mata habang minamasahe ni Serene ang kanyang ulo.

Ilang sandali akong nanatili na nakatayo sa kinatatayuan ko. Hindi nila namalayan ang pagpasok ko dahil nakatuon ang atensyon ni Serene sa ginagawa niya sa stepbrother ko.

Hindi ko rin maipaliwanag kung ano nga ba ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Pero isa lang ang malinaw sa akin. Nasasaktan ako.

Hanggang ngayon ay napakalinaw pa rin sa isipan ko ang mga eksenang nadatnan ko sa silid ni Red kasama si Serene.

"Are you feeling better now?" malambing na tanong ni Serene.

Ngumiti naman si Red na sinabayan niya ng marahan na pagtango. "Uh hmm... Kabisado mo talaga kung paano pagaanin ang pakiramdam ko." sagot niya saka siya marahan na nagmulat ng mga mata.

Dahil nakaharap sa akin si Red ay nagtama ang tingin namin. Natigilan siya nang makita niya ako.

Marahan niyang hinawakan ang tila kay lalambot na palad ni Serene saka niya ito pinatigil sa ginagawa.

Nag-angat na rin ng tingin ang babae saka siya bumaling sa kinaroroonan ko.

"Gael," sambit ni Red sa pangalan ko saka siya napatayo mula sa kinauupuan niya.

"Uh...I-I'm sorry. Nakaistorbo yata ako sa ginagawa ninyo." nauutal na sambit ko.

Hindi ko na alam kung ano na nga ba talaga ang nangyayari sa akin ngunit isa lang din naman ang sigurado ko. Nagseselos ako sa nadatnan kong eksena.

Kanina ay napaka-wild ng imagination ko. Halos hindi nga ako nakatulog sa bus kanina dahil sa kakaisip sa mga sasabihin ko kay Red.

Hindi ko minsan man naisip mula kagabi na daratnan ko ngayon dito si Serene.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa akin kung ano nga ba talaga ang totoong kaugnayan nila ni Red.

Kailangan ko pa bang itanong iyon? Malinaw naman na may relasyon sila. Pero bakit sa nakalipas na mga buwan ay ilang beses ko lang nakita si Serene?

Hindi ko pa nga sila nakita na magkasama kahit minsan maliban noong gabi na masilipan ko sila sa silid ni Red.

Wala naman sigurong magkaibigan na naghahalikan habang pareho silang nakahubad sa ibabaw ng kama.

Lihim akong napamura at napailing dahil sa mga itinatakbo ng pag-iisip ko.

Ngunit hindi ko na namalayan ang pagtayo ni Red mula sa kinauupuan niya at ang sumunod na naramdaman ko na lamang ay mahigpit na siyang nakayakap sa akin.

Hindi ko tinugon ang pagyakap na iyon. Para lang akong tuod na nakatayo habang inaanalisa ko sa isip ko ang mga nangyayari.

Hanggang sa hindi ko sinasadya na mapasulyap sa gawi ni Serene. Nagtama ang mga tingin namin at isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa akin.

Mabilis kong kinalas ang pagkakayakap ni Red. Nakita ko kung gaano siya nasaktan dahil sa ginawa ko. Mababakas ang disappointment sa anyo niya.

Oo may nararamdaman na ako para sa stepbrother ko. Mas lalo pang tumindi iyon mula nang sundan niya ako sa Pampanga.

You're Not My Brother (On-Going) Where stories live. Discover now