Gabriel Robles (25)

2.5K 189 72
                                    

You're Not My Brother

Episode 25

Gael

Halos dalawang araw na ang dumaan mula nang magpasya si Red na bumalik sa Maynila. Ngunit hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Sa halip na matuwa ako dahil wala nang nambubuwisit sa akin ay para bang bumigat lang ang pakiramdam ko.

Hindi ko alam pero hindi gaanong naging masaya ang pasko ko kahit na kasama ko pa si tatay. Para bang may kulang sa buhay ko na hindi ko matukoy kung ano.

Nagsimulang gumuhit sa isip ko ang masayang anyo ni Red habang iniinis niya ako. Mga masasayang kulitan namin bago matulog dahil sa kakulitan niya.

Hindi ko namamalayan na habang naiisip ko siya ay napangiti ako at nagsimulang pumintig ng mabilis ang aking dibdib.

Hanggang sa ang masayang anyo ni Red ay bigla na lamang napalitan ng malungkot na anyo niya nang huling gabi niya dito sa bahay.

Nabuwisit ako sa mga naiisip ko kaya inis ako na napabangon mula sa higaan ko.

Hindi ko na kailangan pang lokohin ang sarili ko. Alam ko kung ano itong nararamdaman ko. Namimiss ko na ang gago kong stepbrother.

Nami-miss ko ang kakulitan niya, ang mga pang-aasar at kapilyuhan niya, mga childish act.

Lalo na ang masayahing anyo niya, ang mga ngiti niya, at ang mga bagay na hindi ko namamalayan na ginagawa niya para sa akin sa nakalipas na mga buwan.

Madalas ay ipinapakita niya na concern siya sa akin. Lalo na sa tuwing nasasaktan ako. Sa tuwing may mga lumalapit sa akin na mga gagong estudyante sa campus.

Kahit na palagi ay nasasaktan ko siya physically dahil sa pagpipigil ko na mapalapit sa kanya ay hindi ko siya kinakitaan na nagalit siya sa akin kahit minsan.

Oo madalas siyang magreklamo pero hindi siya kailanman nagalit kahit pa sobra-sobra na ang nagagawa ko sa kanya.

Mas lalo ko pang nakita ang mga good sides ni Red nang ipagtanggol niya ako kay tatay kahit pa totoo naman na kasalanan ko ang lahat.

Inaamin ko na naging gago rin ako sa kanya. Ginawa ko iyon dahil ayoko nang maulit ang nangyari noon.

Nagmahal ako ng kapwa ko lalaki. Pinaglaban ko siya ngunit isang malaking pagkakamali lang pala ang lahat.

Hindi lang tuloy ako ang napahak kundi pati ang mga magulang ko. Hindi ko na kailanman ninais pa na mangyari iyon kaya iniiwas ko na ang sarili ko sa mga bagong tao na gustong pumasok sa buhay ko.

Nagtagumpay naman ako na gawin iyon pero hindi kay Red. Dahil sa kabila ng pagsisikap ko na iwasan siya ay nagawa pa rin niyang makapasok sa buhay ko nang hindi ko na namamalayan.

Hindi lang ilang beses niyang sinabi at ipinaramdam sa akin na gusto niya ako. Mula sa mga nakaw na halik niya hanggang sa mga pasimpleng yakap at hawak niya sa katawan ko.

Noong una ay inakala ko na trip lang talaga niya na asarin ako. Hanggang sa maisip ko na init ng katawan lang din ang gusto niya.

Ngunit ang pagsunod niya sa akin dito ang talagang nagpagising sa tinitikis na damdamin ko para sa kanya.

Kinagabihan matapos siyang ihatid ni tatay sa terminal ng mga bus patungong Maynila ay nagkausap kami ni tatay.

Sinabi niya sa akin na kung hindi lang daw anak ng bagong asawa ni mama si Red ay nanaisin niya na gusto niya ito para sa akin.

Ngunit naisip na rin niya ang mga consequences na maaaring maidulot nito sa mga pamilya namin kung sakali man na magmahalan kami ni Red.

Minsan nang nabanggit sa akin ni Red na homophobic si Mr. Serrano. Naging malig daw ang pakikitungo nito kay Kazu nang malaman nito na nakipagrelasyon ang pamangkin niya sa kapwa nito lalaki.

You're Not My Brother (On-Going) Where stories live. Discover now