Gabriel Robles (27)

2.6K 178 46
                                    

You're Not My Brother

Episode 27

Gael

Hindi ko sinunod ang sinabi ni Red. Pagkaalis nila ni Serene ay umalis din ako. Sinubukan kong tawagan si Kevin pero hindi ko siya makontak kaya nagpasya ako na subukan sa coffee shop.

Ngunit nang makarating ako doon ay wala siya. Sumunod na pinuntahan ko ay ang apartment niya pero sumakit na ang kamay ko sa kakakatok ay wala pa rin nagbubukas.

Dahil wala naman akong ibang kaibigan dito sa Maynila bukod kay Kevin ay nagpalipas na lang ako ng oras sa pinakamalapit na mall.

Naglakad-lakad lang ako buong hapon doon dahil wala rin naman akong pambili ng kung anu-ano.

Hindi kaya ng bulsa ko ang mga luho na nasa lugar na ito pero dahil wala naman akong ibang pupuntahan ay nagtiis na lang ako sa kakaikot sa paligid.

Hanggang sa mapadaan ako sa isang jewelry shop. Nakita ko ang isang white gold necklace na may cross pemdant. Nagandahan ako kaya pinagmasdan ko ng matagal.

Habang pinagmamasdan ko ang kwintas ay naiisip ko si Red. Sa palagay ko ay babagay sa kanya ang kwintas na ito.

Kaya lang ay nasa ilang libong piso rin ang halaga nito kaya hindi ko rin kayang bilhin. Maliban na lamang kung gagamitin ko ang pera na ibinibigay ng nanay ko na hinding- hindi ko gagawin.

Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para gamitin ko ang pera ng mga Serrano. Ginagawa ko ito bilang respeto ko sa tatay ko na marangal na nagpapakahirap mabigyan lamang ako ng maayus-ayos na buhay.

Nang mapagtanto ko na para lang akong tanga na nakatunghay doon ay nagpasya na ako na maglakad palayo.

Magtatakipsilim na nang makalabas ako sa mall. Nakabukas na ang maliliwanag na ilaw ng poste at christmas lights sa buong paligid.

Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ay maaappreciate ko ang kagandahan ng lugar na kinaroroonan ko ngayon pero mas nananaig ang sakit sa dibdib ko dahil sa kaisipan na magkasama sina Red at Serene sa mga sandaling ito.

Kanina ay nanggaling sila sa doktor upang ipa-check up ang pagbubuntis niya. Naglaro sa isipan ko ang larawan ng isang buo at masayang pamilya nina Red at Serene.

Mabilis kong itinigil ang pag-iisip sa kanila. Nagpasya ako na pagmasdan na lamang ang ganda ng mga christmas lights na matiyagang inilagay sa nagtataasang mga poste at mga animal figures na nagsisilbing atraksyon sa mga namamasyal dito.

Hanggang sa marating ko ang lupon na mga tao na nanonood ng magic shows sa harapan ng isang building.

Kahit papaano ay naaliw naman ako sa mga napapanood ko hanggang sa maramdaman ko na lamang mula sa likod ko ang paghila ng mga lalaki.

Nang makilala ko sila ay bumangon ang kaba sa dibdib ko. Grupo nila Jojo. Mabilis nila akong nahatak mula sa maraming tao pero hindi ako papayag na may magawa na naman sila sa akin.

Nang makahanap ako ng buwelo ay pinagsisipa ko sila sa harapan dahilan upang mabitawan nila ako at mamilipit sila sa sakit.

Pero dahil hindi ko na nagawa kay Jojo ang ginawa ko sa mga kasama niya ay hinabol niya ako hanggang sa makarating kami sa lugar na hindi na masyadong dinadaanan ng mga tao.

Hinihingal ako na nagtago mula sa gilid ng isang building nang bigla na lamang may humila sa buhok ko at magkakasunod na suntok sa sikmura ang inabot ko mula sa tatlo.

"Kumusta ka nang tarantado ka? Hindi mo yata kasama ang tarantado mo ring stepbrother ngayon? Akala mo ba hindi na kami gaganti sa inyo? Uunahin ka lang namin pagkatapos ay isusunod namin ang tarantadong Redentor na iyon. Pero huwag kang mag-alala dahil sakit ng katawan lang ang aabutin mo. Pero si Red..." ngumisi na parang demonyo si Jojo saka niya hinila ang buhok ko para mapatingala ako sa kanya.

You're Not My Brother (On-Going) Where stories live. Discover now