Gabriel Robles (39)

1.5K 116 27
                                    

You're Not My Brother

Episode 39

Gael

Matapos ang malakas na suntok na natanggap ko mula kay Neil ay bumagsak ako sa sahig.

Sinamantala niya ang pagkakataon. Hinila niya ako sa buhok saka niya ako itiningala sa kanya.

"Gusto mo akong pigilan? Huh?" nakangising sabi niya saka niya mas hinila ang buhok ko.

Dahil sa nakadapa ako at nakadagan na siya sa likuran ko ay hindi ko siya malabanan.

"Kasalanan mo rin naman kung bakit natuon ang atensyon ko sa lalaki mo. Masyado kang pakipot." sabi niya.

"Tigilan mo na kami. Matagal na tayong wala." galit na sagot ko sa kanya.

Natawa lang siya saka siya tumayo hila pa rin ang buhok ko. Inilagay niya sa likuran ko ang mga kamay ko saka niya ako iniharap sa wala nang malay na si Red.

Halos hubad na siya at kung hindi pa ako kaagad na nakauwi ay malamang na nagahasa na siya ni Neil.

"Pagmasdan mo kung gaano kasarap ang stepbrother mo? Natikman mo na ba ang katawang iyan?" tanong niya ngunit hindi naman niya ako hinintay na makasagot.

"Kung natikman mo man siya ay hindi  ako papayag na ikaw lang ang makinabang sa kanya. Hmm, paano kaya kung pagsamantalahan ko siya sa harapan mo?"

"Subukan mo at makikita mo ang hinahanap mo." matigas na banta ko sa kanya.

Tinawanan niya ako saka niya ako inilapit sa silya na naroon. Dahil malakas siya sa akin ay mabilis niya akong naiupo doon at nanlaki ang mga mata ko nang maglabas siya ng manipis ngunit matibay na klase ng lubid.

Hindi ako papayag na magawa niya ang gusto niya. Nang abala na siya sa pagtatali sa mga kamay ko ay tinuhod ko siya sa harapan.

Napahiyaw siya sa sakit at namilipit sa sahig. Mabilis kong nilapitan si Red upang i-check ang lagay niya.

"Red... Red?" sigaw ko habang sinisikap ko na gisingin siya pero mabilis na akong nasabunutan muli ni Neil saka niya ako sinikmuraan.

Sumadsad ang likod ko sa may study table at matinding sakit ang naramdaman ko.

Nakangisi na bumunot ng isang syringe si Neil mula sa jacket niya saka niya ako sinubukan na lapitan.

Marahan siyang naglakad pero naging alerto ako sa mga galaw niya. Nang makita ko na susugurin na niya ako ay mabilis kong sinaksak sa mata niya ang nadampot kong letter opener sa table.

Napasigaw si Neil at kahit ako ay nataranta sa nangyari. Hindi ko sinadya na patamaan siya sa mata.

"Arrrrggghh! Ummm! Putang ina kaaaa!" sigaw niya.

Nanginginig ang kamay ko nang ihagis ko ang letter opener na hawak ko. Puno iyon ng dugo at hindi ko alam ang gagawin ko habang nakikita ko ang pagsisikap ni Neil na tiisin ang sakit.

Natataranta ako na tumakbo patungo sa intercom. Humingi ako ng tulong at kinatok ko ang mga katabing unit namin.

Nagtangka pa na tumakas si Neil pero nahuli din siya ng mga security.

Inireport ko ang nangyari kay Red matapos kong tawagan si Kevin.

Hindi na namin hinintay pa ang kaibigan ko. Tinulungan ako ng mga security na ibaba si Red at mabilis namin siyang naisugod ospital.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Sa ospital na rin isinugod ng mga pulis si Neil.

Nang magamot ang sugat niya ay wala pa ring malay si Red. Hanggang sa hingan na ako ng statement ng mga pulis.

You're Not My Brother (On-Going) Where stories live. Discover now