Gabriel Robles (37)

1.6K 132 19
                                    

You're Not My Brother

Episode 37

Gael

Nagising ako na madilim pa sa labas ng bintana. Napalingon ako sa tabi ko at nakita ko si Red na mahimbing na natutulog.

Wala siyang pang-itaas at ang ibabang parte ng katawan lamang niya ang natatakpan ng kumot. Hindi ko tuloy naiwasan na pagmasdan ang magandang hubog ng katawan niya.

Natigilan ako nang maalala ko ang nangyari kahapon. Paano ako nakauwi?

Basta ang huling naaalala ko lang ay may mga nakilala ako sa bar. Hindi ko na matandaan ang pangalan nila. Paglatapos ay wala na akong matandaan pa.

Teka, hinanap ba ako ni Red?

Malamang. Hindi ka naman makakauwi kung hindi si Red ang nag-uwi sayo. Siya nga ang katabi mo sa kama diba?

Napangiti ako dahil sa kaisipan na concern pa rin pala sa akin si Red kahit na inaway ko siya dahil lang sa walang kwentang dahilan ko.

Sa mga nakalipas na araw mula pa nang bumalik ako sa Maynila ay hindi na ako nakakapag-isip pa ng maayos.

Napakarami na ng napahamak nang dahil lang sa katigasan ng ulo ko. Si Kazu, si Serene at ang baby niya.

Kailangan ko nang ayusin ang sarili ko. Wala na si Tatay. Sa pagkakataong ito ay nag-iisa na lang ako dahil si Mama ay may sarili nang pamilya.

Hindi naman maaari na habangbuhay na lamang ako na manatili sa poder nila.

Pero narito si Red. Hindi niya ako iniwan at pinabayaan kahit pa napakatigas na ng ulo ko.

Ngayon na ako labis na naniniwala na totoo ang sinasabi niya na pagmamahal niya sa akin. Hindi lamang siya puro salita kundi nakikita at nararamdaman ko rin iyon sa mga kilos niya.

Sinulyapan ko siya. Gumalaw ang kamay ko saka ko inayos ang nagulong buhok sa noo niya.

Akma ko sanang aayusin ang pagkakakumot niya dahil malamig sa loob ng silid at nakahubad baro pa siya pero nagring ang cellphone ko kaya mabilis ko iyong dinampot.

Natigilan ako nang isang unregistered number na naman ang nakita ko sa screen.

Nakakadama na ako ng pagkainis dahil ilang araw na akong ginugulo ni Neil. Walang ibang tatawag sa akin gamit ang mga unregistered number ito kung hindi siya lang.

Sinagot ko iyon ngunit hindi ako nagtangka na magsalita.

"Gael," nang-iinis na sambit niya sa pangalan ko. "Hindi mo ba kasama ang bagong lover mo kaya nasasagot mo na ang tawag ko?"

"Ano ba talaga ang kailangan mo? Bakit mo pa ako ginugulo?" malamig na sagot ko.

Tumawa siya na mas lalo kong ikinainis. "Hindi mo ba ako nami-miss?" tanong niya. "Ako kasi miss na miss na kita."

"Nabalitaan ko nga pala ang nangyari sa Tatay mo. Kaya ka ba naglasing kagabi sa bar?" dugtong niya.

Tumigas ang anyo ko. Paano niya nalalaman ang mga impormasyon na iyon? Sino ang nagrereport sa kanya?

Muli ay narinig ko na tumawa na naman siya. "Mag-iingat ka sa paglabas-labas mo dahil kapag nakahanap ako ng pagkakataon ay sisiguraduhin ko na malalasap mo na ang langit sa piling ko."

"Kapag natikman mo na ang sarap ay sisiguraduhin ko na hindi mo na ako makakalimutan. Nakita kita kagabi sa bar at pinainit mo nang husto ang pakiramdam ko. Sayang nga lang at naunahan ako nung maangas na lover mo bago kita nalapitan." sabi niya saka siya pumalatak.

You're Not My Brother (On-Going) Where stories live. Discover now