Redentor Serrano (20)

3.2K 220 25
                                    

You're Not My Brother

Episode 20

Red

Napangiwi ako nang muli na namang bunutin ni Gael ang tinik ng patay na cactus mula sa likod ko.

"Aray! Dahan-dahan naman!" reklamo ko.

Tinawanan lang ako ni gago pero yung paraan ng pagtanggal niya ay hindi pa rin nagbago.

"Bakit mo ba kasi nilagay yan. Masakit alam mo ba?" parang bata na reklamo ko sa kanya.

"Ganito ba?" sabi niya saka niya diniinan ang daliri niya sa likod ko. Napasigaw ako ng malakas saka ako umiwas sa kanya.

Nang-aasar na tumatawa lang siya dahil sa sinapit ko sa mga kamay niya.

"Ngayon siguro madadala ka na. Wag kang tatabi sa akin sa pagtulog." sabi niya.

"Napakasama mo sakin." nakalabing reklamo ko.

Ilang sandali pa ay muli na niya akong pinalapit sa kanya. Hinubad niya na ng tuluyan ang damit ko at inalis na niya ang mga tinik sa malumanay na paraan.

Humiga na ako sa kama ko. Ganun din ang ginawa niya at nakita ko pa ang ngiti sa mga labi niya nang pumikit na siya.

Tahimik ko lang siyang pinagmasdan habang iniisip ko kung tama pa ba itong nararamdaman ko.

Nang dumating sa buhay ko si Gael ay hindi ko inasahan na ganito ang magiging halaga niya sa akin.

Akala ko noon ay magiging pabigat at sakit lang siya ng ulo sa akin. Hindi ko rin kayang tanggapin noon na ang estranghero na kagaya niya ay magpapakasasa sa pera ng Daddy ko.

Ngunit nagkamali ako. Dahil sa mga sandaling ito ay hindi ko na kayang isipin ang sarili ko nang wala siya sa tabi ko.

Kahit pa magtagumpay ako sa gusto ko na paghiwalayin sina Aileen at Dad ay hindi ko na kayang humiwalay pa kay Gael.

Fuck! Nababaliw na nga talaga ako.

Si Gael ay parang droga na bigla na lamang pumasok sa buhay ko at ngayon ay hindi ko na maiwasan pa.

Tinupok na niya ang buong sistema ko mula sa isip hanggang sa response ng sarili kong katawan sa tuwing nadidikit siya sa akin.

Pakiramdam ko ay na-diagnosed ako sa isang napakatinding karamdaman at tanging si Gael lamang ang nag-iisang gamot sa sakit ko.

Ilang sandali ko pa siyang mataman na pinagmasdan. Tumalikod na siya mula sa akin ngunit sa liwanag na nanggagaling sa lampshade na nasa pagitan ng mga kama namin ay malaya kong naaaninag ang katawan ng stepbrother ko.

Hindi siya ang tipo ng lalaki na may mga muscles dahil hindi naman siya nagpupunta sa gym kagaya ko pero maganda ang hugis ng katawan niya.

Pinagmasdan ko ang hubad na likuran niya. Mula sa malapad niyang mga balikat patungo sa makinis niyang katawan.

Napalunok ako nang mapadako ang mga mata ko sa bilugan niyang puwetan.

Mabilis akong napapikit saka na ako umayos ng higa. Ngunit ilang sandali lang ang lumipas ay hindi ko na naman napigilan na sulyapan siya.

Nagulat pa ako dahil nakaharap na pala siya sa akin at nahuli niya ako na nagnanakaw ng sulyap sa kanya.

"Matulog ka na nga!" iritadong sambit niya.

"Heto na nga po boss!" sarkastikong sagot ko saka ko hinila ang unan at itinakip ko sa mukha ko.

Hindi ako nakatulog magdamag dahil hindi ko katabi si Gael. Sa mga nakalipas na araw ay laging mahimbing ang tulog ko kaya magaan din ang pakiramdam ko kapag bumabangon na ako.

You're Not My Brother (On-Going) Where stories live. Discover now