Redentor Serrano (22)

2.9K 234 43
                                    

You're Not My Brother

Episode 22

Author's Note:

Ginamit ko po ang province ng Pampanga sa story na ito pero yung bayan po nina Gael ay imagination ko lang.

-Nickolai214

******

Red

Nakasimangot ako na humigop ng sabaw mula sa maliit na mangkok dito sa kainan na nakita ko sa plaza ng Cristobal.

Nang magtanong ako tungkol sa address ni Gael ay dito ako itinuro itinuro ng tarantadong Kevin na iyon.

Hindi ko naisip na ganito pala kalawak ang lugar. Maghapon na akong naglalakad at nagtatanong sa mga tao dito pero wala kahit isa ang nakakakilala kay Gael.

Natawa ako sa sarili ko. Naisahan ako ng gago. Di bale, babalikan ko siya pagbalik ko sa Maynila.

Iniunat ko ng bahagya ang binti ko habang pinagmamasdan ko sa pagliligpit niya ng mga pinaglutuan ang Mama na may-ari ng kainan.

Masakit na ang mga paa ko at nakakaramdam na rin ako ng pagod dahil madaling araw pa lang ay bumiyahe na ako patungo sa Pampanga.

Naiinis na rin ako dahil mula pa kahapon pag-alis ni Gael ay hindi ko na makontak ang number niya.

Habang nag-aayos na ng mga kaserola ang mama ay tinanong ko siya.

"Manong, meron ka bang alam na hotel o kahit anong lugar malapit dito na pwede kong tulugan ngayong gabi?"

Napalingon siya sa akin saka siya napakamot sa batok niya. "Naku iho mahihirapan kang makahanap ng ganyan dito. Dulong parte na itong lugar namin at wala ka nang ibang bayan pa na mapupuntahan mula dito kung hindi ka sasakay ng bangka."

"Ganun po ba? Sige salamat manong." dismayadong tugon ko saka ako nagpalinga-linga sa paligid.

Totoo nga ang sinasabi ni manong. Kahit marami-rami rin ang mga shop na nakikita ko dito sa main road nila ay wala akong nakita kahit isa man lang na kilalang establishment.

Pero may nakita akong daungan o parang pilahan ng mga bangka malapit sa palengke nila. Baka pwede akong makitulog na lang muna doon sa mga upuan na naroon.

"Aba'y saan ba ang punta mo? Bakit ginabi ka na dito? Wala ka bang kamag-anak na maaari mo munang tuluyan pansamantala?" tanong sa akin ni manong.

Napatingin ako sa gawi niya. Kasalukuyan na siyang nagbababa ng mga tolda sa kabilang side ng kainan niya.

"Hindi naman ho kasi ako tagarito. Hinahanap ko lang yung bahay ng kapatid ko kaya lang parang iniligaw yata ako nung tarantadong schoolmate ko na hiningian ko ng address." sagot ko na hindi itinatago ang inis ko kay Kevin.

Nagsalubong ang mga kilay ni Manong kasabay ng pagkunot ng noo niya.

"Kapatid mo pero hindi mo alam ang address?" nagdududang tanong niya.

Nahalata ko naman kaagad iyon kaya mabilis na akong dumipensa. "Hindi ko naman talaga siya kapatid. Anak lang siya ng stepmother ko. Sabi sa akin ng kaibigan niya ay sa bayan na ito ang address niya."

Nakita ko na tila nahulog siya sa ilang sandaling pag-iisip bago siya muling sumulyap sa akin na tila ba sinusuri niya ako.

Napadako ang tingin niya sa mamahaling wrist watch na suot ko. Napasulyap din ako doon saka ko ibinaba ang kamay ko upang maitago iyon.

"Hindi ko pag-iinteresan iyan kung iyon ang iniisip mo. Maaaring mahirap lang ako ngunit maprinsipyo akong tao." sambit niya.

Nakadama naman ako ng pagkapahiya saka ko na ibinalik sa mesa ang kamay ko.

You're Not My Brother (On-Going) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora