Kazu Serrano (14)

3.5K 226 38
                                    

You're Not My Brother

Episode 14

Kazu

Hindi ko alam kung saan ako binabalak na dalhin ng lalaking kasama ko. Pero humigpit ang pagkakayakap ko sa katawan niya nang magsimula na naman siyang magdrive nang matulin.

Hindi ko alam kung nararamdaman ba niya ngunit sa mga sandaling ito ay napakabilis ng pintig ng puso ko.

Nilasap ko na lamang ang sariwang hangin dahil nakalabas na kami ng Maynila. Alam ko kung saan patungo ang lugar na tinatahak namin.

Nasa Cavite na kami. Particularly ay nasa Dasmariñas na kami. Nakita ko na ang arko. Dinaanan na namin kani-kanina lang.

Ilang beses akong nagtanong sa pangahas na lalaking kasama ko kung saan ba niya ako dadalhin ngunit ang palaging isinasagot niya ay malalaman ko rin daw. Bagay na lalo kong ikinainis.

Inayos ko na ang pagkakahawak ko sa katawan ni Kevin bago ko ipinikit ang mga mata ko. Sariwang hangin ang sumasalubong sa mukha ko at nagugustuhan ko iyon.

Hanggang sa ilang flashes mula sa nakaraan ang muli na namang dumaan sa isip ko.

"Kumapit ka nang mahigpit sa akin Kazu." nakangiting sigaw ni Ron saka niya hinila ang mga braso ko upang mas mapahigpit pa ang pagkakayakap ko sa kanya.

Nakangiti naman ako na yumakap sa katawan niya saka ko isinandal ang pisngi ko sa malapad na likod niya.

Napakasaya ng araw na iyon para sa akin. Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ko na may isang taong nagmamahal sa akin maliban sa pinsan kong si Red.

Nagmulat ako ng mga mata saka ko bahagyang niluwagan ang pagkakahawak ko kay Kevin.

Naramdaman niya iyon kaya bahagya siyang sumulyap sa akin kasabay ng pagmenor niya sa gas.

"Kakapit ka ba ng maayos o isasakay kita dito sa harapan ko?" sigaw niya.

Nataranta naman ako saka ko muling hinigpitan ang kapit ko sa kanya. Hindi ko na naisip na imposible pala ang sinabi niya. Hindi niya ako maaaring isakay sa harapan dahil siguradong mahuhuli siya.

Nang marealize ko iyon ay napasimangot na lang ako ngunit hindi ko na tinangka pa na sitahin siya. Wala rin namang silbi.

"Mahal na mahal kita, Kazu. Palagi mong tatandaan iyan." sabi ng tinig na kanina pa nangangahas na pumasok sa loob ng isipan ko.

Tinig ni Ron. Tinig ng lalaking minahal ko. Tinig ng lalaking nanloko at nanakit sa akin. Kasunod na umalingawngaw sa isip ko ay ang malakas at nakakairitang halakhak ni Kaye.

"No! Leave me alone!" malakas na sigaw ko at hindi ko namamalayan na napahigpit ng todo ang kapit ng mga kamay ko sa katawan ni Kevin.

Halos bumaon ang mga daliri ko sa matigas niyang katawan dahilan upang mawala siya sa concentration.

Gumewang ang sinasakyan naming motorsiklo kasunod ng pagsalubong sa amin ng isang paparating na truck.

Napayakap na ako ng husto sa lalaking kasama ko saka ko itinago ang sarili ko sa likod niya na para bang maililigtas ako sa sandaling banggain kami ng paparating na truck.

"Keviiiiin!" malakas na sigaw ko at ipinikit ko nang todo ang mga mata ko kasabay ng pagngiwi.

Ngunit hindi nangyari ang inaasahan ko. Nagawang iliko ni Kevin ang motorsiklo niya. Naiwasan namin ang truck at bago pa kami bumangga sa pader ay nakapagpreno na siya.

Nakaiwas nga kami sa disgrasya ngunit hindi naman ako nakaiwas sa pagdagsa ng mga alaala mula sa nakaraan ko.

Mabilis ang pagpapatakbo ni Ron sa motorsiklo niya dahil hinahabol na kami ng kotse na gamit ng mga tauhan ni Dad.

You're Not My Brother (On-Going) Место, где живут истории. Откройте их для себя