CHAPTER 43: The Pursuance

42.7K 364 19
                                    

And it all started there. Lumipas ang isang linggo and every morning, they’d go biking around Central Park. It’s just usually moderate kind of biking. ‘Yung tipong para lang silang namamasyal. They’d also have their breakfast usually kung saan lang sila mapapadaan. Sometimes, they’d eat in a coffee shop o kaya naman sa mga hotdog stand or food trucks. It’s something she looks forward to everyday.

She’s happy waking up and going to the balcony para makita niya agad ito. Ito lagi ang unang nagigising sa kanila. Usually, he’d sit on a chair with a cup of coffee by the near table and a newspaper on his hand. Pasikreto siyang napapangiti sa itsura nitong magulung-magulo ang buhok habang laging naka-pajama at walang suot na pang-itaas.

Kapag nakikita na siya nitong gising na ay bibitawan nito ang hawak na dyaryo at lalapit sa malapit sa gawi niya and he’d greet her. He’d tell her how beautiful she looks in the morning. Or sometimes, he’d throw flowers in her balcony. Pagpunta niya doon ay ‘yun ang una niyang makikita. She’d picked it up and would try to smell it. Only to find out na nasa kabilang balcony si Gino at nakangiting pinagmamasdan siya.

While smelling the flower, she’d try to smile back. Then, they’d have a casual conversation. Hangga’t kaya niya ay hindi na niya ito masyadong tinatarayan. She’ll give him a chance. Iyon naman ang gusto niyang mangyari ‘di ba… na sana balang-araw ay sila pa rin…….

_____________________________

Pagod na pagod si Mikay after shooting. Paglabas niya ng set ay natanawan na niya agad si Gino na nakatayo sa tabi ng sasakyan nito. Nakita na rin siya nito and he smiled. Pakiramdam tuloy niya nawala lahat ng pagod niya. He’s been doing that for a week now. Lagi siya nitong sinusundo pagkatapos ng shooting niya…

Lumapit na ito agad sa kanya at binuhat ang mga bitbit niya. He also opened the car for her. Kung ano ito dati ay ganun pa rin naman ito ngayon.

Gino: Kumain ka na ba?

He asked her while driving.

Mikay: Oo eh. Lagi naman kasing maraming food sa set…

Gino: Buti ka pa kumain na…

Mikay: Oh, bakit hindi ka pa kasi kumain?

Gino: Kala ko kasi hindi ka pa kumain… Gusto ko sana sabay tayo…

Mikay: ‘Di ba nasabi ko naman na dati pa sa’yo na dun na talaga ako lagi kumakain?

Gino: May choice ka naman na ‘wag ka na lang kumain dun eh… para sabay na lang tayo…

Mikay: Bakit naman ako makikisabay pa sa’yo kung meron na ngang mga food dun ‘di ba?

Bahagya itong lumingon sa kanya.

Gino: Ganun ka ba talaga ka-insensitive, Mikay?

Mikay: Anong ibig mong sabihin?

Gino: Hindi pa ba maliwanag lahat sa ‘yo tong mga ginagawa ko?

Hindi siya makaimik.

Gino: I told you before that I’m going to win you back… That is what I’m doing right now! Nililigawan kita, Mikay!

Mikay: Nililigawan mo ako?

Gino: Oo, Mikay! And I expect an answer pagdating ng araw… I can’t just go on doing this tapos wala akong maririnig na sagot mula sa’yo…

Mikay: Nagmamadali ka ba?

Mukhang frustrated na ang reaction nito.

Gino: Kung magiging honest ako sa tanong mong yan… Oo, nagmamadali ako!... Kasi hindi ko na kaya…

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now