CHAPTER 37: It's Over

43K 352 16
                                    

Muli nanamang nagpatuloy ang set-up na meron sila ni Gino matapos nang nangyari sa kanila pagkatapos ng party ni Kats. Halos araw-araw na itong pumupunta sa condo niya. Pero may kakaiba na itong ginagawa just right after they made love…

Nakita niyang bumangon ito sa pagkakahiga… At nagsimula nang magbihis…

Gino: I have to go…

Napatingin siya sa orasan.

Mikay: Are you sure? It’s already 2am… Can’t you just wait for tomorrow?

Hindi ito agad sumagot at nagpatuloy lang sa pagbibihis.

Gino: I really have to go…

Saka na lang lumingon sa kanya.

Napabuntung-hininga na lang siya.

Mikay: Okay…

Gino: Are you free tomorrow night?

Mikay: Y-Yeah…

Gino: Okay… I’ll just see you tomorrow night, then…

Lumapit ito sa kanya and planted a brief kiss on her lips. Saka na rin tumalikod at iniwan siya. Then, she just heard the door closing…

Masakit… Masyado siyang nasasaktan sa ginagawa nito… Pakiramdam niya ay ang dumi-dumi niya… Pakiramdam niya isa siyang bayarang babae… Pero naisip niya na mas masahol pa siya sa bayarang babae. Kasi hanapbuhay nila ang ginagawa. Samantalang siya… pinapagamit ang katawan ng walang hinihinging kapalit… Tumulo na ang mga luha niya…

Hindi pa rin pala magiging sapat na nakakapiling niya ito kahit sa sandaling panahon lang. Hindi pa rin pala magiging sapat kailanman… kasi patuloy pa ring umaasa ang puso niya na mamahalin din siya nitong muli… gaya ng dati… Kung may kapalit man siyang gustong hingin, iyon ay ang muli siyang ibigin ni Gino…

Patuloy pa rin ang mahina niyang pag-iyak habang mahigpit ang pagkakayap sa kumot na nakabalot sa katawan niya. She’s always like this… Lagi pa ring iniiwan… She should not be crying… She always has a choice… To continue or to let go…

____________________________________________

Nagulat si Mikay nang makita niya si Gino na dumating sa set nila ng Diwata kasama ni Seth.

Mikay: Seth, anong ginagawa ni Gino dito?

Pabulong niyang tanong dito.

Seth: Ewan ko ba jan… Masyado na atang naiinip sa bahay kaya sumama… Alam mo, ganyan na siguro talaga ang mga sobrang mayayaman parang hindi na alam ang gagawin sa buhay…

Hindi na niya pinansin ang mahabang paliwanag ni Seth. For the first time ay hindi siya masayang makita ito. Napansin niyang tumingin ito sa kanya saka ngumiti. But she didn’t respond at tumalikod na lang.

Seth: Okay, guys! Let’s start rolling the camera!

Prine-prep na sila ni James para sa susunod nilang eksena. At alam niyang kasalukuyan din silang pinapanood ni Gino.

Seth: You guys ready?

Tanong ni Seth sa kanila. At agad naman silang tumango…

Seth: Okay, then! Let’s go!

“Lights, camera, action!”

James: Jasmine… Please… Huwag mo akong iiwan… Mahal na mahal kita..

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now