CHAPTER 15: Forever Bliss

50.3K 505 35
                                    

Nagising si Mikay sa lakas ng ulan na naririnig niya mula sa labas. Tumayo siya mula sa kama at sumilip sa bintana. Ang lakas nga ng mga alon. Buti na lang naisipang igarahe ni Gino ang yate sa gilid ng isang isla. Tumingin siya sa orasan...  Alas-siyete na ng umaga. Pero mukhang madaling araw pa lang sa labas.

Sinulyapan niya si Gino na mahimbing na natutulog sa kama. Pumayag na rin siyang makatabi ito sa pagtulog kagabi. But they didn't make love... They just lay down while hugging each other... as simple as that... Sometimes, they would talk... Then, they would laugh...

After they got out from the ocean yesterday, they sat near the pool... ultimately kissing the whole day... And ended up being so hungry... Buti na lang maraming dalang pagkain si Gino...

Hindi niya alam kung pano papatunayan kay Gino na totoong mahal nga niya ito. She doesn't know where to start. Pero naisip niya, pag ang tao naman nagmahal... walang kailangang patunayan... kasi ang pag-ibig... kusang nararamdaman.... Siguro, kinakailangan lang niyang magpakatotoo sa sarili... and not be afraid to show what she really feels...

Napangiti siya habang pinagmamasdan si Gino. Parang lalo itong bumata sa kanyang paningin. He looks so at peace... parang walang problema... Banayad niyang hinaplos ang pisngi nito... She'd been wanting to do this for so long... Hindi na niya mapigilan ang hindi ito halikan sa mga labi... Banayad lang... Mababaw... Just planting small brushes on his lips and on the sides... gently teasing... Her eyes are closed the whole time... thinking nothing but his soft lips...

Napakahabang sandali ang lumipas bago naisipang itigil ni Mikay ang ginagawa. Iminulat niya ang kanyang mga mata. At laking gulat na lamang niya nang makitang nakatitig sa kanya si Gino...

Mikay: Gino! K-Kanina ka pa ba gising?...

Gino: Oo eh... Naramdaman kitang umalis kanina sa kama...

Ibig sabihin kanina pa ito gising habang hinahalikan niya.

Mikay: Eh bakit hindi ka man lang nagsalita?

Gino: I was about to do that... But something came up... At gusto ko pang namnamin ang ginagawa mo...

Nakangiti ito sa kanya.

Lalo siyang lumapit dito. At niyakap ito nang mahigpit na mahigpit hanggang sa parang masasaktan na ito...

Gino: Aray! Mikay! Wag mo akong pisitin! Grabe! Hindi ko alam na sadista ka pala ha...

Tumatawa nitong sabi...

Mikay: Ah ganon ha! Sadista pala ha!... Teka...

Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap.

Gino: Aray!..... Mikay!....

Sinubukang magpumiglas ni Gino. Nakawala ang isang kamay nito... na siya namang ginamit pangiliti sa kanya... Alam nitong malakas ang kiliti niya. Nakabitiw na siya sa pagkakayakap dito... Dumukwang sa kanya si Gino. Siya na ang nasa ilalim...

Mikay: Gino! Gino! Wag please...

Pakiusap niya dito na wag ng ituloy ang balak na pangingiliti.

Gino: No! It's my turn...

Kiniliti siya nito sa magkabilang bewang. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Nagpasirko-sirko na siya sa kama. Pero hindi siya makawala sa pagkakadukwang sa kanya ni Gino.

Mikay: Gino! Please stop! Sorry na... Pleasee!

Napapaluha na si Mikay habang tumatawa. Nakita 'yon ni Gino dahilan para huminto na ito.

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon