CHAPTER 38: Second Chance

43.2K 413 55
                                    

Alas-otso na ng gabi pero patuloy pa rin sa shooting sina Mikay at James. Pinauna na ni Seth ang karamihan sa mga staffs and crew sa villa dahil kelangan din ng privacy sa kasalukuyang eksena. Love scene ‘yun na kinukunan mismo sa beach.

Kanina pa nakatayo sa tabi ni Seth si Gino habang pinapanood ang dalawa.

“Cut!”

Seth: Take 4 na tayo and still you’re not getting it. James… The kiss will start from the neck then pababa… What’s going on? You’ve had this kind of workshop before ‘di ba?…

Gino: Pare, pwede ‘wag masyado… Ibang klase na ‘yung pinapagawa mo eh…

Mahina niyang sabi.

Seth: Pare, isa ka pa ha… Sino ba kasing nagsabi sa ‘yong manood ka? Pwede tumahimik ka muna… Okay, start na ulit tayo! Mikay, James…Take 5!

Bahagyang dumadampi ang mga labi ni James sa leeg ni Mikay. At mukhang gustong-gusto naman ni Mikay. Basang-basa na ang buong damit nito at halos magkadikit na ang mga katawan nila.

Gino: Seth… Pare…

Mahina ngunit madiin ang pagkakasabi niya.

Seth: Gino… Pwede umalis ka na… Talagang tatamaan ka na sa ‘kin… Kanina ka pa eh…

Bumalik muli ang tingin nito sa eksena….

“Cut!”

Seth: Mikay! Ang stiff mo! Para ka namang pagsasamantalahan eh… Focus, please! Hindi ka naman totoong hinahalikan ni James ah! Try to relax!

She was looking at him. At napansin ‘yon ni Seth.

Seth: Pare, pwede ba… Umalis ka na… Kaya hindi nagagawa ng tama ni Mikay kasi anjan ka…

Galit na bulong nito.

Hindi na siya umimik at lumayo na lang nang bahagya. He’s trying to give them space. But he’s still watching…

Nagsimula ulit ang eksena. Dumidikit-dikit ang mga labi ni James sa leeg ni Mikay. Then he saw her hand held the back of James’ head and she closed her eyes. He knows that that’s her style everytime he tries to do that to her before… James is touching her cheek. Then, he saw him caressed one of Mikay’s legs… That’s it! Hindi na niya kaya. Nagmamadali siyang papunta sa kinaroroonan nila… Pero naagapan siya ni Seth… Galit na pinigilan siya nito…

Seth: Pare… Hindi mo na siya pag-aari… Pero sa ginagawa mo ngayon, sabihin mo ulit sa ‘kin if she’s really not worth it…

Nagsukatan sila ng tingin ni Seth. Pero siya rin ang unang umiwas at agad nang tumalikod papalayo…

________________________________

Kanina pa ginaw na ginaw si Mikay kahit nakabalot na sa kanya ang makapal na blanket. Katatapos lang ng shooting nila ni James at dumiretso na agad sila sa villa. Nasa tapat siya mismo ng fireplace at nanginginig…

Seth: Mikay, kelangan mo ng kumain…

Mikay: Mamaya na, Seth… Magtatanggal lang ako ng ginaw…

Seth: Gusto mo ba ipadala ko na lang pagkain mo jan?

Mikay: No, I’m fine… I can manage later…

Nang umalis na ito ay naramdaman niyang may tumabi sa kanya.

Gino: You might need this…

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon