CHAPTER 9: Probability of Events

47.9K 411 23
                                    

Gino: Bianca! Bakit ba ganito?! Panay mali ang computations mo! 

Sec.: Ah.. Eh.. Sir, re-compute ko na lang po ulit...

Gino: Simpleng statistics lang naman to eh! Kung sa iba ko 'to pinagawa, tapos ko na sana yung summary ngayon!

Ngali-ngali niyang sabihin na kung kay Mikay niya 'yun pinagawa, wala ng re-computation na kelangan.  Isang linggo na rin ang lumipas simula nang huli silang magkita. At hindi na mawaglit-waglit sa isipan niya ito. Halos sa opisina na siya nakatira dahil marami lang siyang naaalala sa penthouse niya. 

He needs to forget about her for awhile. Andaming kailangan niyang asikasuhin sa kumpanya at idagdag pa ang kaso ng ama ni Mikay...... Mikay.... Ah!

Sec.: Sir, Bakit ho pala natin pina-hold ang kaso ni Mr. Maghirang? Hindi daw po makakabuti sa kaso yun sabi ni Atty. Dela Rosa.

Gino: Tawagan mo na lang siya. Sabihin mo kay tito, I'll conduct further investigation para mas mabigat ang ebidensya.

Sec.: Eh s-sir, hindi pa ba sapat na ebidensya 'yung...

Gino: Just do as I say!

Sec.: Y-yes po, sir.

Pagkaalis ng kanyang sekretarya ay tumawag naman ang kanyang Financial Analyst.

FA: I reviewed everything. And so far, you're doing very well, Mr. Dela Rosa. Tumaas ng 10% ang stocks since your stay. This has never happened before. Give it one more year, mababawi mo na ang nawalang stocks. It might even double.

Gino: Masaya akong marining sa 'yo yan, Mr. Cruz. Tama ka. I'm planning to double the numbers in less than a year.

FA: Now, I'm being convinced that you're really better than your father.

Matapos ang pag-uusap nila ng kanyang Financial Analyst, naisip ni Gino that he needs a break. He deserves it. Pina-cancel niya lahat ng appointments ng araw na 'yon.

________________________________________

Katsumi: Pare, buti naman napadalaw ka ulit.

Gino: Na-miss ko kayo pare eh!

Kasalukuyan silang nasa dating tambayan. This time, nag-iinuman sila habang nakabukas ang TV. Chill lang sila.

Katsumi: Kamusta na ha? Si Mikay? Kelan ang kasal?

Gino: Sira-ulo ka talaga!

Seth: Pare, nagtataka lang kami. 'Di ba may plano ka kay Mikay? Parang wala naman eh!

Nagtawanan ang mga barkada niya.

Lester: Kasi, pare, pansin ko lang ha. Basta kasi kay Mikay, nawawala ang mga da moves mo eh. Wala sa lahi natin 'yan, tsong!

Gino: Ulol! Tumahimik nga kayo! Kararating ko lang, nambabanas nanaman kayo!

JC: Eh ang kumpanya, bro... Kamusta naman?

Tumingin siya dito.

Gino: Ayos naman... Wala namang problema...

Kasalukuyan silang nagkwekwentuhan nang bigla siyang napatingin sa TV. Fashion show 'yon. Hindi siya pwedeng magkamali. He'll know that face anywhere. Bigla pa siyang nagulat nang ininterview ito ng reporter. Nakatitig lang ang mga mata niya sa mukha nito habang sinasagot ang mga tanong ng reporter...

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon