CHAPTER 20: All I Have To Give...

42.8K 364 17
                                    

Nagising si Mikay sa pagtunog ng kanyang cellphone. Napatingin siya sa bedside clock bago sagutin iyon. It's already 2pm. But Gino is still very much asleep beside her... Tumayo siya at lumabas ng silid upang di ito magising.... Nakita niyang si Julia ang tumatawag...

Mikay: Hello, Julia... I'm really sorry di na ko nakapagpaalam... You were asleep awhile ago... Tapos eto namang si Gino ang aga akong sinundo...

Bungad na paliwanag niya dito.

Julia: Okay lang yun, Mikay. Ano ka ba... Saka kelangan mo ring asikasuhin yang boyfriend mo noh...

Mikay: Kamusta na pakiramdam mo?...

Narinig niyang bumuntung-hininga ito.

Julia: ...Ang sakit-sakit pa rin... Kahit ano pa siguro ang gawin ko, hindi na mawawala ang sakit...

Narinig niya ang pigil na paghikbi nito. 

Mikay: Julia... Wag mong madaliin... Learn how to go through it not to get over it... Be strong please... Malalagpasan mo rin yan...

Julia: I am... I am trying to be strong...

Garalgal na ang boses nito sa pag-iyak.

Mikay: I really want to help you... But this is all I can do... Ang damayan ka... But it's really gonna be up to you on how are you gonna deal with this... Yun ang madalas mong sabihin sakin dati 'di ba?

Julia: Yeah, you're right... Kaya napatawag ako sayo kasi magpapaalam lang sana ako...

Napakunot-noo siya.

Mikay: Huh? Anong ibig mong sabihin? Bakit san ka pupunta?

Julia: I just booked a flight tonight for San Francisco... Dun muna ako, Mikay... Gusto ko ng bagong simula... At hindi ko yun magagawa dito dahil lagi ko lang siyang naaalala...

Bahagya siyang nagulat sa biglaang desisyon nito.

Mikay: I know you so well, Julia. At alam kong buo na ang desisyon mo... Pigilan man kita, alam kong di ka rin papayag...

Nangilid na ang kanyang mga mata.

Mikay: Ikaw na lang ang kaisa-isa kong kaibigan dito. Tapos aalis ka pa... Pero siguro ito nga ang nakabubuti para sa 'yo... 

Julia: Mikay, hindi lang naman ako ang nag-iisa mong kaibigan dito eh... Andyan sa tabi mo si Gino. You might not know it... But he's your bestfriend... 

Bahagya siyang napangiti siya sa sinabi nito.

Mikay: What time ang alis mo mamaya? Ihahatid ka namin ni Gino...

Julia: Please don't bother... Mas magiging mahirap lang sa 'tin pag magpapaalaman pa tayo nang personal...

Mikay: I'm really gonna miss you, Julia... Ingat ka dun ha... Wag mo ko pagpapalit...

Naramdaman niyang umiiyak na rin si Julia...

Julia: Sira ka talaga... Syempre hindi noh... Saka ikaw dapat alagaan mo lagi sarili mo... Saka wag mo ng iiwan si Gino ha... Kasi, Mikay... Ang sakit pala talaga... pag iniwan ka ng taong pinakamamahal mo...

Kanina pa natapos ang pag-uusap nilang dalawa. Ngunit andun pa rin siya sa sala at iniisip ang huling sinabi sa kanya ni Julia. Dati-rati ay ito pa mismo ang kumakampi sa kanya sa pag-iwan niya kay Gino noon. Pero mukhang baliktad na ang sitwasyon ngayon.

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now