CHAPTER 10: The Event (Part I)

47.5K 415 11
                                    

Natigilan si Mikay. Andito daw si Gino. Nilinga-linga niyang mabuti ang paligid. Halatang may hinahanap siya. But most people are in groups usually chatting and making noises. And the place is really full of lights. So, you can easily tell who's who. Sinubukan niyang lumakad nang ilang hakbang. Di niya napansin na may small inclined area sa hinakbangan niya dahilan upang mabitawan niya ang clutch bag sa floor. Buti na lang di siya natapilok.

Yumuko siya at pinulot niya ito. Pagkayuko niya ay naramdaman niyang umangat ang hapit at napakaiksi niyang skirt. Oh my! They might have seen a part of her ass! Agad niyang pinulot ang clutch at luminga agad sa likuran niya. Mukhang wala namang nakapansin. Higit pa niyang sinuri ang mga tao sa likuran niya. Napakunot-noo siya. Sa bandang madilim na bahagi ng bulwagan, may nakatayong pigura... Si Gino...

Mukhang kanina pa ito nakatitig sa kanya. Dahil nang tiningnan niya ito ay nauna nang nakatingin sa kanya. Hindi niya mabasa ang reaksyon nito. Pormal lang na nakatingin sa kanya. He's holding a beer on his hand. He's wearing a white plain shirt topped with a black leather jacket and a low rise black fitted jeans with his usual pair of shoes....

Jao: A glass of martini for a gorgeous lady...

Tumingin siya kay Jao.

Jao: I'm sorry. It took me so long. Dami pa gusto kumausap sa 'kin. But I can't just leave a stunning beauty that long, can I?

Ngumiti siya dito. Pagtingin niyang muli sa kinaroroonan ni Gino ay wala na ito roon. Muli siyang luminga-linga sa paligid. Ngunit 'di niya ito makita.

Mikay: Uhm, of couse, Jao. You can't just leave me here alone. Ikaw din...

Nanunukso ang tingin at ngiti niya kay Jao. He doesn't want to be with Jao. She's just so pissed with the fact that Gino and that bitch are partners tonight!

Napapitlag siya nang naramdaman ang kamay ni Jao sa hubad niyang likuran dahil sa backless niyang suot. Akma niya sanang tatanggalin ang kamay nito. But she just spotted Gino... with Zharm while being interviewed by the reporters. Ang lakas naman makakapit sa braso ni Gino ang bruhang 'yon. At ang kumag na lalaki hinahayaan lang gawin sa kanya 'yon.

Nainis na siyang tuluyan kaya hinayaan na lang niya si Jao sa paghawak sa kanyang likuran habang nakikisalamuha sila sa iba't-ibang tao.

After awile ay huminto na ang music at nakita niya si Zharm na umaakyat sa stage. Hawak ni Gino ang kamay nito at inaalalayan niya habang paakyat. Ngiting-ngiti si Zharm habang si Gino ay pormal pa rin ang reaksyon ng mukha. 

Zharm: Hello everyone! You all havin' fun?!

Nakapula ng damit ito. Abot hanggang tuhod ang tabas at nakahapit sa katawan. May itsura rin naman ito. Nagbigay ng dating ang pagiging mestisa niya at pagkakaroon ng mahabang buhok. Pero payat at pahaba ang mukha nito at ang mga ngipin ay sadyang malalaki na halatang inayos lang ng ilang taon na pagsusuout ng braces. At 'pag nagkataong morena ay baka mas may itsura pa ang anak ng kanyang yaya.

Zharm: Well, I'd like to thank all of you for coming on my 24th birthday, guys! This really means a lot to me.

24 palang daw siya? Gosh! Mukha na siyang 28. No wonder nagmukhang younger sibling niya si Gino na nakatayo sa likuran nito. Naiinis na talaga siya!

Naisipan niyang hawakan ang braso ni Jao at bahagya siyang dumikit sa katawan nito. Mukhang natuwa naman si Jao. Ngunit ikinagulat nya ang biglang paghawak ng kamay nito sa bewang niya malapit na sa kanyang balakang. Ngali-ngali na niyang batukan ito kung hindi lang siya nagtimpi.

Zharm: And of course, I'd like to thank Gino for being my escort tonight. He's really so sweet.

Nagpalakpakan ang mga tao sa sinabi nito. Palihim naman siyang napairap. Matapos ang kehaba-habang speech ni Zharm ay nagpatuloy muli ang party. Nagsimula na ring magsayawan ang mga tao sa indayog ng sweet dance.

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now