CHAPTER 24: The Party (Part I)

40.5K 358 25
                                    

Gino: Alam mo ang kulit mo na Mikay ha… You look great, okay? Saka ikaw na rin ang nagsabing ilang beses na kayong nag-meet nila dad. So, what’s the fuzz right now?

They’re currently on their way sa bahay nito for the party. She knows that she’s looking really glamorous sa suot niyang light pink cocktail dress. Isa itong haltered at above the knee ang tabas na tinernuhan niya ng nude color na platform shoes.

 Hindi nga lang niya maiwasang hindi kulitin si Gino tungkol sa itsura niya. Kinakabahan kasi siya. Tama si Gino… She had met his parents many times before…

Mikay: Oo, na-meet ko na sila dati pa… Pero syempre iba ngayon, okay? Ipakikilala mo ako as your girlfriend. And take note, ako pa pala ang unang girlfriend na ipapakilala mo sa kanila!

 Gino: Eh syempre, ikaw lang naman ang naging girlfriend ko eh… Kaya malamang ikaw ang una ‘di ba?….

When he admitted that to her before, aaminin niyang nabigla talaga siya. She had never thought that she’d be the first… including his first time in everything…

Bahagya siyang napangiti. She really feels so special. Alam niyang bihira na ang mga ganoong klase ng lalaki ngayon.

Gino: Oh, anong nginingiti-ngiti mo jan?

Mikay: Wala. Masama bang ngumiti?.... Alam mo, tama ka eh. Dapat chill lang ako ngayong gabi…

Ngumiti ito sa sinabi niya.

Gino: That’s my girl!… And besides, don’t worry too much… Magugustuhan ka nila mama at dad... They’re not the type na nangingialam sa personal na buhay naming magkakapatid…

Mikay: Sana nga, Gino… Sana nga…

____________________________________

Pagdating nila sa party ay sinalubong agad sila ng media sa red carpet. Pinaunlakan nila ang ilang mga interviews at nagpa-picture ng ilang saglit. Marami sa mga ito ang nagtatanong kung kailan na daw ba sila ikakasal. Hinayaan na lang niyang si Gino ang sumagot ng lahat ng mga ‘yon. Napansin kasi niyang magaling itong magbigay ng mga rason ngunit nagagawa pa rin nitong gawing magaan ang usapan.

Pagkapasok nila sa loob ng bulwagan ay nakita na niya ang maraming pamilyar na mukha. Marami na agad ang bumati sa kanila. Ang ilan ay nakipagkwentuhan pa saglit. Nagpapicture rin ang iba. Maya-maya ay nagkaroon na rin sila ng pagkakataon para makaupo sa mesa na designated lamang sa kanila.

Mikay: Grabe! Hindi na mansion ang tawag dito sa bahay niyo, Gino. Palasyo na ‘to sa sobrang laki!

Natawa ito sa sinabi niya.

Gino: Sa States naman ako lumaki, Mikay eh. Kaya halos ‘di rin ako tumira dito... Anyway, ikukuha muna kita ng makakain. ‘Di ka pa kumakain ng gabihan eh. Ano ba gusto mo?

Mikay: Ikaw na bahala… Basta yung light lang.

Pinipilit siya nitong kumain bago sila umalis ng condo. Pero pilit din siyang tumanggi dahil nakaugalian na talaga niya iyon bago pumunta sa  isang party para hindi maging bloated ang itsura niya ‘pag kukuhanan siya ng pictures.

Tita Alicia: Well, hello there, Mikaela…

Napaangat ang ulo ni Mikay. At napatayo siya bigla nang mapagtantong ang mama pala ni Gino ang bumati sa kanya. Agad siyang nakipagbeso-beso rito.

Mikay: Ah, hello po, tita… Magandang gabi po…

Tita Alicia: And good evening to you, too… And please, don’t call me tita… Just call me mama na lang. That’s what Gino calls me… But speaking of my son, where is he?

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now