CHAPTER 12: Consequences of Actions

49.9K 469 46
                                    

Higit pa na pinagbuti ni Mikay ang pagsasayaw. The tempo of the music started to get a little faster. There were times na binuhat pa siya ni Jao. Lalong nagpalakpakan ang mga tao. Maya-maya ay bumaba ang kamay ni Jao sa balakang niya. Then suddenly, he's touching her ass. Medyo natitigilan na siya. She thinks he's really getting too far. 

While dancing... Bumulong siya.

Mikay: Jao, stop touching my ass!

Jao: What?!

Nagbibingi-bingiang sagot nito habang nakangisi pa. Gusto niyang huminto. Pero matatalo siya kay Zharm na kanina pa effort ng effort dun. She tried to ignored it na lang. Tutal malapit nang matapos ang music. 

But the next thing she knew ay may tumakbo at nanulak sa kanya. Tapos biglang wala na si Jao sa harapan niya. Napakabilis ng mga pangyayari....

Nakahiga na si Jao sa floor at dinadalimuhong ni Gino! Sunud-sunod na suntok ang pinakawalan ni Gino sa mukha ni Jao. Hindi makagalaw si Jao. 

Gino: P*TANG INA MO!!! P*TANG INA MO!!!! GAGO KA!!! 

Paulit-ulit na litanya ni Gino habang walang preno sa pagsuntok. Putok agad ang labi at gilid ng mata ni Jao sa tindi ng mga suntok nito.

Gulat ang lahat. Walang nakagalaw. Pati ang music ay huminto. 

Maya-maya ay patakbo ng dumating sina Seth at Katsumi. Pilit inihihiwalay si Gino kay Jao. Pero hindi nila matinag ito. Nang may tumulong na isa, ay naihiwalay na rin nila. Pero akma pa ring susugod si Gino kung hindi lang siya hinawakan ng mahigpit ng mga ito.

Gino: P*TANG INA MO!!!! 

Pilit tumayo si Jao. Hindi nila namalayan na may kakayanan pa itong sugurin si Gino at suntukin din ito habang hawak ang huli. Bumitiw ang ilan kay Gino at si Jao naman ang inawat. Dahilan para makasuntok ulit si Gino.

Para siyang nagising mula sa pagkabigla.

Mikay: Gino!!!! Tama na!!!!!

Parang hindi siya nito naririnig. Nakatingin lang si Gino kay Jao na parang gustong patayin ang huli.

Madami na rin ang tumulong sa pag-awat. Tila nakabawi na rin sa pagkabigla ang mga ito.

Jao: Ano bang ginawa ko?!!!!

Hirap na sigaw nito.

Gino: Kanina pa kita pinagpapasensyahan, hayop ka!!!!....

Halatang lito pa rin si Jao. Akmang susugod ulit si Gino.

Ngunit hinawakan niya ito sa braso. Pilit hinihila. Pero mas malakas ito sa kanya. Siya tuloy ang nahila nito. Hinawakan siya ng marahas sa braso niya. Pero hindi man lang siya nito tinatapunan ng tingin. 

Mikay: Gino! Ano ba! Tama na!

Dinuro ni Gino si Jao.

Gino: Simula nang dumating ka kanina... Nagtitimpi na ako sa 'yo, gago ka!!!.... Subukan mo pang lumapit sa kanya... Subukan mo pang hawakan siya... Hindi lang 'yan aabutin mo sa akin!!!

Tumingin si Jao kay Mikay. Tila naiintindihan na ang nangyayari.

Mukhang lalong nainis si Gino sa ginawa ni Jao.

Gino: Subukan mo pang tapunan siya ng tingin! Subukan mo pa!!!

Hindi na sumulyap sa kanya si Jao. Hawak pa rin ni Gino ang braso niya.

Mikay: Gino! Aray! Bitawan mo nga ako!

Binitiwan siya nito. Pero sa kadahilanang sumugod ito kay Jao at hinablot ang kwelyo nito.

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon