CHAPTER 35: Let The Games Begin

42.6K 355 35
                                    

Mikay: Oh my God! Oh my God!

Nagising si Gino na katabi niya sa kama.

Gino: What?!

Nagmamadali siyang bumangon at pilit isinusuot ang tshirt at skirt na nakakalat sa sahig…

Mikay: I’m gonna be late! I totally forgot! May ASAP pa ako ngayon!

Parang naalimpungatan pa lang na bumangon din si Gino. Pero nagmamadali na siyang pumasok sa banyo at naligo. Pagkalabas niya ay nakabihis na rin ito.

Gino: Hatid na kita…

Mikay: Wag na… Papunta na rin ‘yung driver ko…

Gino: Eh ‘di ba mas mabilis kung ngayon ka na makakapunta dun? Idadaan lang naman kita eh… Hindi na ko bababa…

Naisip niyang mas mabilis nga naman pag ihahatid na siya nito lalo na at sportscar ang gamit nito.

Mikay: Okay… Sige, let’s go, then….

Nakita niyang tumalikod ito at binuksan ang ref niya. Kumuha ito ng isang mansanas at inabot sa kanya…

Gino: You need to at least eat something first….

Saka na ito naunang lumabas sa kanya.

Pinaaalala niya sa sarili na natural na lang ang pagiging thoughtful ni Gino. Hindi niya dapat binibigyan ng kahulugan ang mga simple actions nito. Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang napag-usapan nila ang ganitong klase ng set-up. But during that whole course of time, only twice they made love…

The first one was when she opened a knock on her door at around 1am and saw him coming in and the second time was last night after she received a text from him that he’d drop by at her place... It was pretty awkward lalo na ‘yung pagkagising nila sa umaga. But Gino knows the kind of situation that they have. So, he’d just choose to leave immediately.

However, this time, it’s quite different kasi nagboluntaryo itong ihahatid siya.

______________________________________

Tahimik lang silang dalawa sa loob ng sasakyan. Like she said, it really gets awkward kasi dapat walang attachments… walang concern… no other emotions involved. There should also be a difference from the relationship they had before and the one that they have now…

Mikay: Nakakinis naman… Kung kelan nagmamadali saka pa ganito…

They’re stuck in the middle of heavy traffic. Pero hindi pa rin umiimik si Gino kahit nagsasalita na siya. Nakatutok lang ang tingin sa harapan. Kaya pinili na lang din niyang manahimik.

Good thing na kahit traffic ay nagawa pa ring sumingit nito sa mga ibang sasakyan at nakapagpatakbo rin ng mabilis. They reached the place on time. Pero bago siya bumaba ay narinig niyang nagsalita ito.

Gino: Mikay… What time ang uwi mo?

Alam na niya ang ibig nitong sabihin.

Mikay: Mga 5pm na siguro… May taping pa kasi ako after ASAP eh…

Tumango ito. Pero pormal pa rin ang mukhang nakatingin sa kanya.

Gino: I’ll see you later, then.

She smiled.

Mikay: Okay… See you at the condo…

Pagkababa niya ay nakatingin pa rin siya sa papalayo nitong sasakyan. Masakit na hanggang ganun na lang sila… Pero mas mahalaga sa kanya na nakakapiling pa rin niya ito… kahit sa sandaling panahon lang…

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon