CHAPTER 6: Away, Bati, Away, Bati...

49.7K 489 35
                                    

Nakatulog si Mikay sa paghihintay kay Gino. Maaaring dala na rin ng pagod nitong mga nakaraang araw. Medyo naaalimpungatan na siya nang tila ba may napapansin siyang mainit na kamay na humawak sa pisngi niya. Maya-maya ay may parang humalik sa pisngi niya. Parang nananaginip siya. Bahagya siyang gumalaw. At unti-unting minulat ang kanyang mga mata. 

Bigla siyang nagulat nang makitang nakaupo si Gino sa tapat ng sofa na kinahihigaan niya. May hawak itong kopita ng alak. At parang relax na relax na kanina pa nagmamasid sa kanya. Bigla tuloy siyang na-conscious. Nagising siyang nakabukaka at nakataas ang dalawang kamay. Ibig sabihin gano'n ang kanyang ayos habang tulog. Bagama't nakapantalon siya. Parang wala man lang poise ang kanyang itsura. Naghihilik kaya ako kanina?

Inayos niya ang kanyang sarili at umupo...

Mikay: Nakaidlip pala ako. 'Di ko namalayan.

Gino: Galing ako sa opisina kanina, pina-cancel ko muna yung byahe natin sa New York. Marami pa akong problemang dapat ayusin dito eh...

Bakit parang pinaparinggan siya nito? Isa ba siya sa mga problemang 'yon?

Mikay: Ha... Ganun ba........ Ahmm... Kelangan ko na pala umuwi.... 

Gino: Mikay, ang lakas ng ulan sa labas...

Mikay: May dala naman akong kotse ngayon eh kaya okay lang...

Gino: Sigurado may mga baha ka ng madadaanan. Mahirap ma-stuck sa kotse mo. Hintayin mo na lang huminto... Maya-maya baka mawala rin yung baha...

Hindi... Hindi siya pwedeng magtagal dito kasama siya. Kakaiba ang mood nito ngayon. Kakaiba ang titig sa kanya. Hindi niya matagalan. Siguro medyo lasing na 'to. Nakakalahati na yung bote ng alak na iniinom eh.

Mikay: Pero may kelangan pa akong puntahan eh. Importante yun...

Gino: Ano namang pwedeng importanteng pagkakaabalahan mo... Ni wala ka nga trabaho eh... Malamang party nanaman yan noh?

Mikay: That's none of your business...

Gino: It is! It is my business! 

Pasigaw nitong turan sa kanya.

Mikay: Since when? Since when has it become your business?!

Gino: ..... Since your dad took the company's money!..... Mikay, do you have a slightest clue kung magkano ang ninakaw niya?!.... Did you even bothered to ask him if he really took it?!!!

Nakipagtitigan siya dito...

Mikay: I know my dad too well... Hindi niya magagawa ang mga paratang mo...

Gino: You know, that is your problem, Mikay... You easily trust people... 

Mikay: Alam mo, pagod na pagod na ako sa mga kapaparinig mo! Wag ka nang mag-maangmaangan pa! I'm sick and tired of this tirade, Gino! Ano ba talaga ang gusto mo? Bakit si papa pa? Bakit hindi na lang ako ang pagtripan mo!

Gino: Pagtripan?! Wow! Salita galing sa 'yo yan, Mikay! Never heard of that before. Baka ikaw ang mahilig mang-trip!

Napaiyak na siya. Pagod na siya. Kung kelangan niya magmakaawa, gagawin niya.

Mikay: Gino, maawa ka naman kay papa oh. Please... He's all I've got... Please, Gino...

Hindi agad ito nakasagot. Tinititigan lang siya. Tama ba yung nakita niya. She saw pain in his eyes. Pero agad ding nawala. At napalitan agad ng galit.

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon