CHAPTER 19: Some Assurance

43.9K 427 35
                                    

Mikay didn't expect na mag-eenjoy siya sa party ni Seth. She likes the people she's hangin out right now. Mga girlfriends din sila ng magbabarkada. They seem to be really nice and cool. Magaan lang kasama. Chill lang sila. Napagdesisyunan nilang dito na lang mag-stay ni Gino maghapon. They just had their dinner. And now, they're currently drinking beer while playing billiards. 

Lumingon siya kay Gino. He's with the barkada. Nakikipag-inuman din ito. At mukha namang nag-eenjoy sa pakikipagkwentuhan. Pero sa tuwing titingnan niya ito ay laging nakatingin sa kanya. May pakiramdam siyang binibilang ni Gino kung nakakailang bote na siya ng beer.

Lihim siyang napangiti. She likes the way he treats her. Parang lagi itong nakaalalay sa kanya. It's like any moment he'll be there to rescue her. She just feels safe when he's around...

Aaminin niyang nagulat siya kanina at sinundan pa pala siya sa classroom niya. Pero mas lalo niyang ikinagulat ang level ng katalinuhan nito. They don't talk about business stuffs that's why she's really amazed to hear lectures from him. She could tell na mas magaling pa ito sa professor niya.

Pakiramdam tuloy niya ay napakaliit niya kumpara dito. Nagsumikap talaga ito sa kabila ng sobrang pagiging mayaman. Samantalang siya ay isa lamang anak ng empleyado sa kumpanyang pag-aari nila. Pero kung umasta siya ay daig pa ang isang bilyonaryo.

Somehow, she feels the drive para magkaroon ng mas mataas na ambisyon. She knows that she can do better than what she is right now. She suddenly has this urge to work and study hard. She's doing this not just for herself but for Gino as well. Gusto niyang ipagmalaki siya nito na mayroon din siyang achievement sa kanyang career...

"Mikay, ikaw na susunod..."

It's her turn on the table. Nagsimula na siyang tumira ng bola...

______________________________________________

Seth: Pare, okay ka rin ah... Parang kelan ka lang namin pinipikon na hindi mo na siya makukuha... Tapos ngayon... Tsk...

Nakita niyang napapailing ito.

Gino: Pare, hindi siya bagay na basta nakuha ko na lang... Pinaghirapan ko siya, pare. 

Katsumi: Eh tol, pano mo naman siya pinaghirapan?

Lumingon siya dito.

Gino: Pinakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal...

They laughed at him.

JC: Ang sabihin mo magaling ka talagang mangbola! Ikaw naman ang pinaka-expert samin sa ganyan eh...

Gino: Hoy! Tumahimik kayo ha... Baka marinig kayo ni Mikay. Isipin nun totoo sinasabi niyo. Alam niyo namang siya lang ang naging girlfriend ko eversince ah. Eh samantalalang kayo nga kaliwa't kanan ang mga chicks niyo eh...

Seth: Aba! At nag-explain agad... Pero seriously bro, alam ba niya na siya ang first kiss mo at alam ba niya na "V" ka pa nung ano?

Napakunot siya.

Gino: Anong "V"?

JC: Virgin, tol...

They started laughing again.

Gino: Alam mo, kung di mo lang birthday, Seth, kanina ko pa kayo naupakan... Kanina niyo pa ko pinagkakaisahan eh!

Seth: Chill lang, bro... Mukhang enjoy naman si Mikay eh...

Tumingin siyang muli kay Mikay.

Lester: Alam mo,  pansin ko lang... Kanina mo pa kasi siya tinitingnan eh... Mga babae naman ang kasama... Wag mong sabihing pati mga yan pinagseselosan mo?

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now