CHAPTER 44: A Visit

43.2K 373 64
                                    

Gino: Mikay! San ba ilalagay tong Jimmy Choo mo?!

Sumisigaw na ito dahil sa ingay ng vacuum na ginagamit nito sa 2nd floor ng apartment. Samantalang siya ay nasa ibaba naman at kasalukuyang nakahiga sa sofa sa sala at nagbabasa ng favorite niyang Elle magazine…

Mikay: Ilagay mo sa closet!

Isang linggo nanaman ang nakakaraan. At dahil nga sa 2weeks lang ang shooting ay huminto na rin ang mga kasamang free services sa kanyang tinitirhan. Wala na ang mga cleaning services at pati na rin ang laundry. Maging ang upa ay siya na rin ang nagtuloy.

Gino: Eh etong mga bags mo?!

Napapairap na si Mikay. Kanina pa ito tanong ng tanong.

Mikay: Ano ba, Gino?! Kanina ka pa tanong ng tanong ah! Ilagay mo na lang kahit saan! Free service ka nga, ang kulit-kulit mo naman!

Gino: Gusto ko lang naman marinig ang boses mo eh!…

Mikay: Hay naku! Mang-uto nanaman ba?!

Ilang araw na rin itong nagboboluntaryong maglinis ng apartment. Maging ang laundry ay hinahayaan na rin niyang ito ang gumagawa. But she just makes sure she separates the garments that need to be separated. Siya na lang ang maglalaba sa mga ‘yon.

Buti naman at tumahimik na rin ito at wala na siyang ibang naririnig kundi ang ingay ng vacuum. Nagpatuloy na siya sa pagbabasa….

Pero matapos ang ilang sandali ay muli nanaman itong nagsalita.

Gino: Tapos na akong maglinis! Maglalaba na ako, Mikay!

Hindi na lang niya pinansin ang sinabi nito. Kadalasan ay ganun ang ginagawa nito. He’s trying to report the things he’s doing upstairs…. Maya-maya ay narinig na niya ang ugong ng washing mashine……

Gino: Etong black coat mo?! Lalabhan ko rin ba?!

Mikay: ‘Wag! Dry clean yan! Just leave it!

Gino: Okay!

Then, she remembers something. Nasa pinakailalim ang black coat na ‘yun. At ‘yung mga underwear niya nasa ibabaw lang nun. Nanlaki ang mga mata niya at nagmamadali siyang umakyat sa taas.

At tama nga ang hinala niya… Bula-bula ang mga kamay ni Gino at hawak ang isang maliit na pink garment habang nakangiti nitong tinitingnan iyon….

Mikay: OH MY GOD!!!!! Anong ginagawa mo?!!

Bahagyang nagulat ito. Pero nakabawi rin agad at ngumiti sa kanya habang hawak pa rin ang garment….

Gino: Ang cute! It’s just too small…

Mikay: Hindi ko sinabing labhan mo ang mga yan! I made sure I separated them!

Gino: I know… Pero what’s the point?... It’s not like I’m not doing this before…

Mikay: Pero iba na ngayon, Gino!

Gino: It’s still the same to me, Mikay... Kahit ano pang sabihin mo... It’s still the same!... You’re still the same girl that I love… And if I need to wash your underwear, I’ll do it!... I’ll do it because I love you, okay?

Nagsukatan sila ng tingin. Lalaban pa sana siya nang biglang may tumunog sa doorbell…. Iniwan na niya ito at pinuntahan na niya ang main door… Pagkabukas niya ay nagulat siya sa nakita…

A Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon