"Calm down, Aaliyah. Don't make any scenes here again!" He motioned his lips on the students who are watching us.

Seriously, Aaliyah? Can’t you just go on through this day without getting so much attention? Nakakainis na, ha? Ang tindi ng kapit ng malas sa akin ngayon.

Umayos na lang ako ng upo at ganun din naman si Paul. Teka, kung nakaupo siya sa tabi ko, it only means…

"Magkaklase tayo?!" Napasigaw ulit ako at bigla niyang tinakpan ng kamay niya ‘yong bibig ko.

"Obvious ba? Bakit ba kailangan mo pang sumigaw? Can you please talk a little softer?! You're annoying!" At ang kapal niyang sigawan din ako! Jusko, tulog na tulog ba ito noong nag-sabog ng  pagka-gentleman ang Panginoon?!

"Okay, fine! So, hindi pa rin pala ako ligtas sa pang-aasar mo." Bulong ko lang sa sarili ko, pero narinig niya!

"Oo, wala kang choice. Hahahahaha!" Bago pa man ako maka-kontra ay lumabas na sa stage ang ibang mga teachers kasama si Ms. Lab. Ilang sandali pa ay nag-simula na ang orientation.

“Dearest students, most especially freshmen, we would like to welcome you to a new environment, to a new field of growing up and learning new things, and to a more complicated but much happier life of going to High School,” panimulang bati ni Miss Lab. “To all the sophomores, juniors, and seniors, and to every teacher, welcome back to Ashford High School!”

Nagpalakpakan ang lahat at nakita ko na rin na nakaupo sa bandang likuran ang mga kaibigan ko.

This is it, Aaliyah! Third year high school ka na!

~*~

"Okay class, you'll be having a group project. I already grouped you into 5 that hold 5 members each. Be sure to cooperate because this is going to be your first task for this school year. You all know each other so I expect you will all give me excellent shows," Announce ni Sir Valdez, teacher namin sa MAPEH.

"Ali!" Lumingon ako sa taong nasa likod at ngumiti. Isa lang naman ang tumatawag sa akin sa nickname ko. Si Demi, ang bestfriend ko.

"Ano ‘yon?" I mouthed. Paaano ba naman, ang layo layo ng upuan niya. Biruin mo, ako nasa middle ng second row, tapos siya nasa dulo ng 3rd row! Kamusta naman ‘yon, diba?

"For sure, magka-group tayo, navi-vibes ko na!" At nag-wink pa siya sakin. Naniwala naman ako sa vibrations niya dahil palagi naman siyang tama. Sana nga lang tama ulit siya ngayon dahil mahirap namang maging kasama sa grupo ang mga taong hindi mo kasundo.

Si Demi R. Alvarez, ang nag-iisang bestfriend ko simula pa pagkabata. Kung kumilos ay parang lalaki pero malambot ang puso niya. Sa lahat ng bagay ay ipinagtatanggol niya ako. Ultimo aksidenteng maapakan lang ng kung sino ang paa ko ay magsisimula na siya ng panibagong giyera. Bukod sa pagiging bestfriend ay para na din kaming magkapatid, magkaiba lamang ang Nanay at Tatay.

Napa-smile na lang ako sa kanya at ibinalik na ‘yong tingin at atensyon ko kay Sir Valdez. Sinasabi na pala niya yung groupings.

"Okay, Miss Ramosa, you'll be working with Miss Alvarez.”

Bingo! Tama nga si Demi! Magka-grupo kami. Buti na lang dahil mukhang mapapadali ang project namin na ito.

Binaling kong muli ang atensiyon ko kay Sir at nakinig sa iba pang makakasama namin ni Demi sa grupo. "Mr. Antonio, Ms. Vargas and Mr. Salcedo."

Okay! Mga kaibigan ko naman pala ang makakasa—Teka, w-what?! Did I hear it right? Mr. Salcedo? Mr. Salcedo nga ba ang huling apelyidong binanggit ni Sir? Si Paul? As in si PAUL JUSTINE SALDEMONYO?! I mean, Salcedo? Oh noes! Trouble ‘to! Hindi maaari!

Hopeless Love [PUBLISHED UNDER LIB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon