Chapter 57

123K 1.4K 686
                                    

Zenia's POV

Nagsi-uwian na yung ibang highschool friends namin.

"Ang dami-daming nakakatawang nanyare Justin! Sayang wala ka!" Sigaw ni Flip kay Justin tapos nagtawanan sila.

"Ah talaga? Dapat pala tinawagan niyo ko para umuwi ako!" sigaw din ni Justin. Ayun, kanina pa kami nagkwe-kwentuhan dito at nagiinuman sila. Nakakainis naman! akala ko pa man din makakapag usap kami ni Justin ng maayos.

Ano ba naman tong iniisip ko!?

Ano pa bang dapat pagusapan? Sobrang tagal na simula nung naghiwalay kami. Madami na sigurong nagbago.

Nagbago na talaga siguro si Justin, nagbago nadin kaya laman ng puso niya? Ano ba naman tong iniisip ko! Haaaaays! Syempre naman no! Ang tagal tagal tagal na panahon na kaya simula nung huli naming pagkikita! Malamang nakakita na yun ng mas magagandang babae dun,

"Uy Zenia! Magsalita ka naman!" sigaw sakin ni Ross.

I just smiled at them.

"Oo nga! Kanina pa kami kwentuhan ng kwentuhan dito oh!" sigaw ulit ni Mel.

"Kamusta na ba yan si Zen? Sa pagkaka-alala ko ang ingay ingay mo eh? Bakit ang tahimik mo na ata ngayon?" tanong sakin ni Justin. Tahimik lang silang lahat at naghihintay sa isasagot ko.

"haha. Wala lang!" sagot ko.

"Whooo! Hindi mo ba namimiss si Justin? hahaha!" asar ni Flip sakin. Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin o maasar.

"Nako! Muling ibalik ba to?"

Lahat sila inaasar kaming dalawa ni Justin.

"Manahimik nga kayo! Hindi na pwede ibalik! hahaha!" sigaw ni Justin. Natahimik lang sila Ross at Mel.

Dumilim ang paningin ko pagkarinig ko sa sinabi ni Justin.

Bakit hindi na pwede? May girlfriend na kaya siya dun? Bakit parang may kirot nung narinig ko yun?

Hindi na pwede ibalik? Bakit hindi na pwede?

"Haha! Oo nga! ano ba naman kayo! Ang tagal tagal ng wala eh." Sagot ko sakanila.

"Nako! wag na nga natin pagusapan yan! Pre! Balita ko nanuod ka daw ng NBA dun?" Iniba na ni Kriston yung topic.

Tumayo lang ako saglit para kumuha ng maiinom sa may bar.

Pagka-punta ko sa bar, ang daming alak na nakahilera. Hindi ko alam kung hard drinks to or what. Wala na akong pakielam, tinikman ko nalang lahat.

Madami nadin akong nainom. Iba't ibang kulay. May blue, brown, may pink, lemon tapos kung anu-ano pang kulay pero parang iisa lang ang mga lasa. Pare-parehas gumuguhit sa lalamunan ko.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon