Chapter six

198K 1.7K 109
                                    

Chapter six

Justin's POV

Ano ba tong babaeng to? Gusto pa ng picture? Di pa ba siya nakuntento sa picture namin sa photobooth?

Speaking of photobooth. Di ko naman sinadyang yun yung pose na gawin ko sa third shot e. Ewan ko, she's just too charming THAT TIME. 

Habang naglalakad kami papuntang parking lot, naisip ko bigla si Ella.

Siya kasi ang nagtulak na lumipat ako sa school ng mom ko. Nung una ayoko talaga magaral sa school nayun kasi bantay sarado ko pero ngayong wala sila mom and dad dito, Yound and wild and free nanaman ako. 

Bakit nga ba kami nagbreak ni Ella?


*Flashback*


"Hi loves!" Bati sakin ni Ella.

"

"Hi din loves! Tagal mo nawala ah? one week?" tanong ko sa kanya. Lagpas one week kasi siyang umabsent. 


"Ah, loves. May sasabihin ako sayo." Seryoso yung mukha ni Ella habang sinasabi yan. 


"Bakit? Magpapakasal na ba tayo?" Biro ko sakanya dahil mukhang seryoso siya.


"Justin, wag kang ganyan, mas pinahihirapan mo kong sabihin to!" Sigaw niya sakin. Pu*a, ano bang meron?! May nagawa nanaman ba akong mali?!


Nagsindi nalang ako ng Yosi tutal nasa labas naman na kami ng school e. at badtrip nadin ako.


"Ano ba yun loves?" Pinilit kong kumalma.


"Justin, let's end this." Seryoso yung mukha niya. Hindi siya nagbibiro.


"Bakit?" Di ko alam sasabihin ko. Wala naman akong ginawang masama. !@#$%^


"Yung kabanda mo? Si Jef?" Tanong niya sakin habang papaiyak.

"What about him?" tanong ko kay Ella.


"I'm two weeks pregnant. He's the father." sagot ni Ella. Halos bumagsak ang buong mundo ko. Gusto ko siyang saktan kaso mahal ko eh? Sa sobrang galit ko nasuntok ko yung pader.


"Tang^na naman Ella! Di ka pa kuntento saken?! Hindi pa ba buo pagkalalaki ko sayo?! Bakit nanlandi ka pa? Sa kabanda ko pa? Lakas ng topak mo ah!" Pinagtitinginan na kami dahil umiiyak na si Ella.


Tumakbo si Ella papalayo sakin. Simula non, di ko na siya kinausap. Nasira nadin ang banda namin, wala na. Kaklase ko pa naman si Ella at si Jef. Kaya napag-pasyahan naming lumipat nila Kriston at Flip.


*End of Flashback*




"Huy ayus ka lang?" tanong sakin ni Zenia.


"Ha? ah, tara na! Hatid na kita sa inyo." inistart ko na yung makina ng cotse. Ginising ako ni Zen mula sa pag rereminisce ko. Hay. 


"Pasensya na ah? kung inaya pa kita mag-mall. Small world no? nakita pa natin si Ella." Sabi sakin ni Zen. Hay, Ella nanaman! 

"Wala yun." di ko alam isasagot ko.


Nakapasok na kami ng town house at nasa harap na kami ngayon ng bahay ni Zenia. Hindi ko alam kung ba't gustong gusto ko titigan ang bahay nitong babaeng to. Basta!


"BAKIT NGAYON KA LANG?!" Hala! Sino yun? nanay niya ba yun?


"Manang sorry po!" Sabay punta sa gate nila.


"Hay nako! Nag-skype kami ng mommy mo, hinahanap ka! Hindi ko alam ang sasabihin! Ikaw talagang bata ka! alasais na oh?! Dapat manlang ay tumawag ka!" Ang bilis naman ng oras. Gabi nadin pala. Di ko namalayan.


"Am, manang si Justin po." Pakilala sakin ni Zenia.


"Ah, ikaw ba kasama niya? tumuloy ka muna." Hoo! Kala ko magagalit.

"Ay, wag na po. Gabi nadin po e." Nakakahiya naman pero gustong gusto ko magstay sa bahay ni Zenia. Di ko alam kung bakit!


"Ay sige na! dito ka na maghapunan!" Hinila ako ni manang papasok sa bahay nila.


Pagpasok ko, malaki din ang bahay niya ha? may apat na kwarto. pinakamalaki yung kay Zenia.

"ay dito ka muna iho ha? ihahanda ko lang ang hapunan." Sabi ni manang sakin.


"Pasensya ka na kay manang ah? ganun talaga yun pag may bago akong kaibigan eh." Sus, Zenia. Ayus lang yun!

"ah, ayus lang." Maikli kong sinabi.

"Ay, niluluto ko pa ang ulam. dun ka muna sa kwarto ni Zenia at naglilipit ako dito sa sala!" sigaw ni manang. 


"Po?" tanong ko. Hindi ba parang ang bastos nun? sa kwarto ko ni Zenia magiistay?

"Syempre biro lang. Halina't handa na ang pagkain." Aya ni manang.


Nagpunta na kami sa kainan..

Nang matapos kaming kumain.. ayaw pa ako pauwiin ni manang. AYOS! minsan lang daw kasi magdala ng lalaking bisita si Zenia dito. Habang si Zenia ay nainip at naligo muna sa taas. Ano kayang itsura ng kwarto niya?


"Alam mo yun si Zenia? yung kwarto nun. malaki. Queen size ang bed nun at pagkatapos may malaking flatscreen sa harap na pader ng kama niya at pagkatapos, sa dulo ng kama niya, may sofa. sa gilid naman. andun yung tukador niya, kung san siya nagsasalamin. tapos sa gilid nun, malaking glass door papunta sa terrace niya." Ah opo manang, ang daldal niyo po.

"ah ganun ba manang?" Di pa ko tapos magsalita ay nagsalita uli si manang.


"Oo, pagkatapos ay sa gilid naroon ang desktop niya at sa gilid ng pader niya dun ay may bulletin. Lahat ng pictures dun nakadikit at sa gili nun may pinto papunta sa CR niya." Si manang makuwento.

"ganun po ba ma.." hindi nanaman ako natapos magsalita dahil dumating na pala si Zenia.


"Manang, kung anu-ano naman pinagkukwento mo kay Justin e. Justin gabi na, umuwi ka na!" Sigaw sakin ni Zenia.

Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa.

Naka lugay ang buhok nito at naka tshirt na white at pajama na pink, nakatsinelas din siyang bunny. Parang bata!


"Bakit? Makatingin wagas?" tanong sakin ni Zenia.

"Ang ganda mo pag nakalugay. Ba't ka nagtatali ng buhok sa school?" tanong ko kay Zenia.


"Ay osha, maiwan ko muna kayo dito sa kainan at maghuhugas ako ng pinggan sa kusina." sabi ni manang.


"Eh wala kang paki kung magtali ako. Umuwi ka na nga! gabi na gabi na!" Hinila ako ni Zenia palabas ng bahay nila.


Nang makalabas kami. Nasa gate lang si Zenia.


"Thank you pala sa bear ha? First time na may nagbigay sakin nun." Sabi sakin ni Zenia. 


"Ah, wala yon. ge!" Tapos inistart ko na yung makina at umuwi.


Nang makauwi ako. Naligo ako at nag toothbrush tapos nag online nalang ako dahil ang tagal ko nang hindi nag oonline.


May nag pop-out na message.

3 friend request.

-[its_rossysmirth would like to add you as a friend.]

-[imzenia would like to add you as a friend.]

-[princessmel would like to add you as a friend.]

-mark all - accept.

Sila Mel, Zen at Rossy lang pala. Finollow din nila ko sa blog ko. Okay. 

Nag off nadin ako, wala namang kwenta eh.

Matapos mag off ay natulog nalang ako.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon