chapter two

269K 2.4K 213
                                    

Chapter 2

..

..

..

..

Justin-Zenia-Ross-Kriston <-arrangement.

"Hay! Okay na sana kung yung Kriston katabi ko kesa dun sa masungit eh!" Sigaw ko kay Ross. Papunta na kami ng canteen ngayon dahil recess.

"okay nayan! Ayoko din dun sa masungit eh." Edi kayo na ni Kriston! Talaga naman kasing close na agad sila. Madali lang kasi kausapin yung Kriston, marunong makisabay sa trip.

"eh, ang sungit? Ang tahimik tapos pag walang teacher ilalabas yung ipod tapos magsa-soundtrip" Angal ko kay Ross.

"Uy!" May sumigaw mula sa likod namin.

"Uy, Kriston!" Sigaw ni Ross kay Kriston. Papasok na kami ngayon sa canteen at pinagtitinginan kami ng lahat.

"Sabay na kami sa inyo, ayos lang?" Ha? AYAW! Kasama nila yung masungit eh!

"Oo naman! Nga pala, diba siya si Flip? Hi Flip!" Ay, feeling close tayo Ross?

"Uy!" sabay kaway samin. Ang lapit na namin sa isa't isa tapos kaway pa? Hay, weird.

"Balita ko, muse daw si Mel ah? Galing saan’g bansa ba’iyon?" Tanong ni Flip samin.

"Nako, galing Davao yun! Eh pinagaral dito ng tita niya kaya yun." Explain ko naman sa kanila. Nakiki-feeling close nadin ako.

"Oh? She's kinda cute." Sa wakas nagsalita din si Justin! Kaso bakit about kay Mel? L

"Ayus Jus! Trip mo yung Mel?" Tanong ni Flip dito.

" trip lang." Ang tipid niya sumagot saka bakit trip niya mga babae?! Playboy kaya to?!

"Nga pala, Let's go out later." HA?! AYUS KA LANG KRISTON?!

"Ah? Eh, kasi kakakilala.." Di ko natuloy yung isasagot ko.

"Uhm, if you don't mind coming with us lang ah? Kasi kayo yung unang nakilala namin dito." It's really nice of you Kriston!

"Kung ayaw edi wag" Sabat naman nito’ng si Justin sunget! Sasama na nga e!

"Parang acquaintance party ganon?" tanong naman ni Ross.

"Yeah, exactly." Sagot ni Flip. Mabait din naman pala tong si Flip.

"San naman?" Tanong ko naman

"Ang daming tanong. Kung ayaw, edi wag." Ang sunget mo Justin Hermoso!

"Sa bahay ko." Sagot ni Flip.

"San yun?" Sorry, last na tanong na talaga to.

"Sa may pinaka malapit na town house dito. Dun kami sa may splendid malapit sa club house" Wow, sosyal.

"Actually, Kriston and I have the same house. Only one house" Kwento nito ni Flip habang papaupo sa table namin.

"Our parents are business partners. Nasa states sila ngayon for business kaya yun." Kwento ni Flip. Ah, Si Kriston? Kriston Salazar? Ah teka, why do we have a same surname? Kamaganak ko kaya to?

"Ay teka, Salazar din ako e." Malay ko kung he's one of my relatives.

"Oh? Magka-surname tayo." So, hindi kami relative. PERIOD.

"Eh ikaw Justin? Where do you live?" tanong ni Ross. Psh, pinansin pa!

"dun din." Ha? Di ko gets.

"You mean, sa may pinakamalapit na town house din dito?" tanong uli ni Ross. Kayo na close!

"Oo, basta dun!" Hala? Pikon agad tong si Justin sunget?!

"Ahm, dun din siya kaso dun naman siya sa may bagong tayo? Yung retro?" kwento ni Flip. Retro mansion? Ansabe? Mayaman!

"Ah talaga? Sakanya yun? Yaman ah! Kaso mejo malayo samin yun but we still live in a same town" Sagot ni Ross. Oo nga, magkakalapit bahay lang.

"Oh? San kayo dun?" Tanong ni Kriston. Curious much ha?

"Magkapitbahay kami nitong si Zen" Maka-Zen naman to! Baka gayahin nila. Ayoko kasi ng Zen eh.

"Zen ba name niya?" tanong ni Flip. Ay hinde? Kanina pa tayo magkausap oh?

"Zenia" Wow, nakakagulat naman ito’ng si Justin sunget! Biglang nagsasalita.

"How did you know?" Tanong ko. Curious lang ako diba? Hahaha.

"Katabi kita, malamang nabasa ko sa notebook mo." Sagot ni Justin sunget. Awch, so mean! </3

*RING*

Pabalik na kami sa room sa 5th floor, madami pa’din nagtitinginan samin. Actually, hindi samin. Sa mga kasama naming ni Ross! Grabe, ganon ba sila kagwapo sa paningin niyo?

Nang makapasok kami sa classroom, umupo na kami sa kanya-kanya naming upuan..

Si Kriston at Ross nagkuwekwentuhan samantalang si Justin, ayun! Nakikipagusap dun sa Mel. Kala ko ba, snobber siya? Eh ba't mukang tuwang tuwa kay Mel? Psh. Makapagaral na ngalang! Baka mawala ko sa top!

Wala kaming teacher dahil may meetings ang lahat ng faculty members sa 2nd floor kaya bawal kaming lumabas ng room.

Maya-maya lang ay nagring na at isa-isa na kaming lumabas at pumunta sa locker room..

Nasa may locker area na kami ng lumapit sa amin sila Kriston..

"mamaya mga par! Sa may club house lang naman bahay namin eh, alam niyo na yun!" Sigaw ni Kriston.

"Oo naman sure!" Wow, Ross?! Di pa nga natin masyadong kilala yang mga yan e!

"Ikaw?" Wow, nagsalita uli si Justin na Sunget habang nakatingin sakin.

"ha?" Nagulat ako eh, ano bang meaning niya sa tanong niya? Ako na slow.

"Sabi ko, ikaw? Sasama ka ba?" Sungit padin niya kahit makipagusap siya ng maayos.

"Ah, eh ano? Di ko pa kayo gano kilala, di ako mahilig sumama sa di ko kilala!" Napasigaw ako dahil naiirita ko sa pagkasungit niya.

"Sungit mo ah? Meron ka?" Bulong nito sakin. Magaling din pala to mangasar eh?

"You really a shit craze. Kahit na! Di ko pa kayo gano kilala eh." Sabi ko sakanya.

"Easy par!" Sigaw sakin ni Kriston sabay tapik ng mahina sa likod.

Hindi na uli sumagot si Justin.

"sige ganito nalang, para safe kayo, I'll pick you up. San ba kayo malapit?" tanong ni Flip. Di ko pa sure kung sasama ko.

"Sa may chapel kami eh." Sagot ni Ross.

"malapit lang, sige. Mga bandang 6:30 okay lang?" Tanong uli ni Flip. GABI NAYUN HA!

"Eh teka.." sabat ko naman.

"Basta, pumunta nalang. Wala naman kaming gagawing masama eh! Masaya yun. Kris, sunduin mo daw si Mel, pumayag na." Sungit naman nitong Justin na’to

Talaga Jus? Thanks par! Sagot nito. So kaya pala kausap niya si Mel kanina? Pinakausap ni Kriston? Eh ba't curious ako? Hays.

Teka, bakit puro babae ata inaya nila?

.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon