Chapter 32

152K 1.2K 287
                                    

Zenia's POV

Maaga akong pumasok ngayong araw. Tuesday ngayon eh? Ewan ko kung bakit? Wala namang mahalagang araw ngayon eh? Pero malakas yung feeling ko na maraming magandang manyayari ngayon eh? Ang taas ng energy ko.

"Goodmorning!" salubong ko kay Justin tapos nagbeso-beso kami. Wala pa naman kasing gaanong tao eh saka hanggang ganun lang kami. Hanggang beso-beso lang, walang kiss.

"Ang aga mo? Dinaanan kita sainyo pero wala ka na daw." tanong ni Justin sakin tapos umupo na sa upuan niya.

"Ah eh. Ewan ko eh? Para kasing naeexcite ako ngayong araw! Parang madaming magandang manyayari?"

"Ganun? Ikaw talaga!" sigaw ni Justin sakin tapos ginulo yung buhok ko. What the actual eff Justin?! Ang hirap kaya magsuklay!?

"Anubayan! Ginulo pa yung buhok ko!" sigaw ko kay Justin tapos tumawa lang siya. Hays!

Hindi na kami nagusap ni Justin. Nagsoundtrip nalang kami sa ipod niya. Naka-headset kami, yung isang pair sakanya tapos yung isang pair yung sakin.

Maya-maya, nagpasukan na yung iba naming classmates.

"Aga niyong dalawa ah! ano meron?" tanong samin ni Ross. Sabay silang pumasok ni Kriston. Hindi ako sumagot, kunwari wala akong narinig.

"Hoy babae! Wag mong sabihing wala kang naririnig?! Isang headset lang nakasalpak sa tenga mo!" Awww! Kailangan pa bang lumapit sa tenga ko para isigaw yun? Si Ross talaga! Grabe!

"Aww! Ang ingay mo ah! Wala lang, masaya lang ako ngayon araw." sagot ko kay Ross tapos umupo na si Ross.

"Bakit ano meron ngayong araw?" tanong uli sakin ni Ross. Ang kulit naman nitong bestfriend ko! 

"Wala, ewan. basta parang madaming magandang manyayari!" sigaw ko kay Ross tapos sumandal ako sa upuan ko tapos humarap kay Justin.

*riiiiiiiiiing!*

Pumasok na si ma'am Molis.

"Goodmorning class!" sigaw ni ma'am Molis sa amin.

"Goodmorning din ma'am!" sabay-sabay naming sagot pero yung three bastard hindi tumayo para batiin si ma'am. Mga pasaway! Like a boss eh.

"Everyone! Have you already heard the news?" tanong ni ma'am samin. Sabi na eh! Ang lakas ko talaga maka-sense! May magandang balitang dadating ngayong araw eh!

Nagsimulang magtanungan yung mga classmates namin.

"Anong news?"

"News about what?"

"Wag mo sabihing aalis na kayo ma'am?"

"Baka naman may bagong lipat."

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon