Chapter 17 part 2

176K 1.8K 277
                                    

-Read and Vote-
-Unedited -

Zenia's POV

Nandito padin kami ni Justin sa sasakyan. Di ko alam kung san ako nito dadalhin eh! Magtatatlong oras na kaming bumabyahe. Ano ba? San ba kami pupunta? Pero okay lang. Hanggang ngayon, di padin ako makapaniwala na yung taong gusto ko, may gusto din sakin.

"Asan tayo?" tanong ko sakanya.

"Teka lang. Nagdra-drive ako eh. Malapit na tayo." sagot sakin ni Justin habang nakatingin padin sa road na dinadaanan namin. Halatang we're already out of the town kasi ang daming puno saka parang bukid yung dinadaanan namin.

"Eh san nga tayo pupunta?" tanong ko uli sakanya. Hindi ako nakapagpaalam kay manang. Akala ko naman kasi kakain lang eh.

"Ang kulit mo naman eh! Sinabi ng nagdra-drive ako eh." Sagot sakin ni Justin. Oo nga, hindi ko muna siya kakausapin. Ang bilis niya kasi magdrive, baka mabangga kami. Saka kanina bago kami umalis may kausap siya sa phone. Hays!

Hindi na ako sumagot. Maya-maya, hininto ni Justin yung sasakyan sa parang resort. I don't know but It's a beach resort. WHERE ARE WE?! Bumaba na kami ni Justin sa sasakyan. Hindi na ako nag heels, nagpalit ako ng flatshoes.

"Justin, asan tayo?"

Pagkababa ko, nakita ko din na huminto yung sasakyan ni Flip at Kriston. Ano to? Bakasyon? bakit nandito din sila?

"Nandito tayo sa resort namin." sagot ni Justin.

"Oh?!" Sigaw ko sakanya. Nakakagulat yung panyayari. Ang dami namang pwedeng puntahan eh.

"Hey par! Ang ganda padin ng resort niyo ah." sabi ni Kriston habang papunta samin. Hanggang ngayon, hindi padin ako makapaniwala. Favorite place ko kasi ang beach. Sariwang hangin, presko tapos parang ang gaan-gaan sa pakiramdam.

Nakita ko din si Mel at Flip na bumaba sa sasakyan. Ang daya! Bakit sila may dalang gamit? Ako wala! Sarili ko lang dala ko. Hay! Bakit hindi manlang kasi sinabi ni Justin sakin na dito niya ako dadalhin?

"Zeeeen!" may sumigaw sakin mula sa likod. Pagkalingon ko, I saw Ross carrying two bags.

"Rossss!" sigaw ko habang niyayakap siya.

"Oh bag mo! Dinalhan na kita ng gamit, tinawagan ni Justin si Kriston kanina na sumunod daw kami eh." paliwanag sakin ni Ross.

"Aww! Thank you! Ang ganda dito Ross! Grabe! Dinalhan mo ba ko ng slippers?" tanong ko kay Ross. Sana may dala siyaaa! Please.

Sumimangot si Ross. "Ay wala bes. Nakalimutan ko. Sorrry!"

"Ano ba yan! Yun pa kinalimutan mo!" sigaw ko sakanya. Hay, nakakainis naman! Excited na akong maligo. Excited na ko maglakad-lakad. Ang saya nito! Kaso, wala akong tsinelas. :( 

"Wag ka na malungkot oh! Eto naman eh. Ang ganda ng view para malungkot lang!" pagcocomfort sakin ni Ross.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon