Chapter 24

170K 1.5K 365
                                    

A/N: you can see Justin's photos on the right side -------------------------------------------------------->

Zenia's POV

Hay! Friday nanaman! September 7 na! Malapit na birthday ko. And my mom is still here in pinas! Yeeeey! Di ko nga alam kung maghahanda pa ba for my 18th birthday eh. Mukhang hindi naman kasi nagpreprepare si Mommy eh? Palagi lang siyang nakila Lalola. Siguro kahit sa Sunday wala si mommy sa bahay? Nakila lalola nanaman. ~_~ Nakakatampo naman! Well, speaking of Sunday. Ano ba nanyare sa panunuod namin ng movie ni Justin and mommy last Sunday? hmmmm.

*Flashback*

"WAAAAAHHH!" sigaw ni mommy. Horror movie yung pinapanuod namin. Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya. Nagagalit na kasi yung mga katabi namin dahil sobrang ingay ni mommy.

"Sssh!" sabi nung katabi ni mommy.

"May pinagmanahan kadin pala eno." bulong sakin ni Justin. Huh? anong pinagmanahan?

"Ano?" Bulong ko kay Justin.

"Mana ka pala sa mommy mo sa kaingayan." bulong uli sa akin ni Justin. Magkatabi kami ni Justin and nasa right side ko si Justin.

Tuwing may nakakatakot na scene dun sa movie, nagtatakip lang ako ng mata. Hinawakan ni Justin yung kamay ko.

"Bakit?" tanong ko sakanya.

"Face you fear. Pano mo maeenjoy yung movie kung tinatakpan mo yung mata mo?" tanong sa akin ni Justin habang nakahawak padin sa kamay ko.

"Eh baka matakot kasi ako." sagot ko kay Justin. Ayoko kayang matakot! Baka sumigaw din ako eh.

"Eh bakit nanuod ka pa ng horror kung ayaw mo matakot? Dapat nanuod ka nalang comedy." sabi ni Justin sa akin. Hindi na binitawan ni Justin yung kamay ko until the end of the movie.  Ayaw niya kasing takpan ko yung mata ko kaya I was forced to watch it, even the scary parts of the movie.

*end of flashback*

"Di ka ba kakain?"

"Huh?" tanong ko sa nagtanong sakin. Nawala pala ako sa sarili.

"Kanina ka pa tulala. Ano bang problema mo?!" tanong sa akin ni Justin.

"Ah. Ano ba yung tinatanong mo?" tanong ko din sakanya. Hindi ko kasi naintindihan yung sinabi niya kanina e.

"Sabi ko kung kakain ka ba bago magtraining. Friday ngayon! Uminom ka ba ng vitamins mo?" tanong sa akin ni Justin. After nung ma-meet niya si mommy, hindi niya na ako gaanong iniinis. Pag nagtatalo kami, magwawalk out siya pero siya din yung magsosorry sa huli. it's been a week. Lagi din niya akong tinatanong kung umiinom ako ng vitamins na pinapadala sa akin ni mommy. Naging concern naman siya sa akin. Well maybe because he's now my boyfriend.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon