Chapter 29 (Zenia's Birthday!)

159K 1.5K 276
                                    

Zenia's POV

Lahat ng tao dito sa bahay busy. 

"Zenia darling, suotin mo na yung gown mo. Nasa kwarto na yung nagdeisgn, tutulungan ka niya magfit." sigaw ni mommy na nasa kalayuan. Andito ako ngayon sa garden, humahanap ng malalanghap na hangin. Kinakabahan ako na may halong excitement eh? Ganito pala yung feeling ng magdedebut.

Umakyat na ako sa kwarto. Nakita ko yung mga magme-make up sa akin na nagre-ready na. 3:30 na kasi eh? 6:00 pm yung start ng party. Kailangan ko na pala talaga magready.

Habang inaayusan ako nung make up artist, nagpaalam na sila mommy at daddy na pupunta na sila sa venue para iwelcome yung mga bisita na pupunta mamaya.

Ilang oras din akong inayusan. Nakaipit yung buhok ko na may mga curly hair na nakalaylay tapos yung gown ko, dirty white na silk na parang pang prinsesa. Gusto ko sana ng pink na gown pero sila mommy at daddy ang namili ng kulay. Gusto kasi nila ng classic or lavish style. After naman ng formal party, may party-party kaya may pinatahi ding dress sila mommy for me para makagalaw daw ako ng maayos.

6:00 pm na kailangan ko na pumunta sa venue. Pagbaba ko, naghihintay na si Justin at Mang Kanor sa akin. Ang gwapo ni Justin sa suit na suot niya tapos nakagel yung buhok niya pero para siyang kinakabahan.

"Ready ka na ba?" tanong sa akin ni Justin habang pinagbubuksan ako ng pinto.

"Ah oo. Bakit parang kinakabahan ka?" tanong ko kay Justin. Para kasi siyang naiinip na kinakabahan eh.

"Ah wala. Tara na!" sabi ni Justin tapos pumasok na sa cotse. Awww! Hindi manlang ako pinagbuksan ng pinto?! Buti nalang nandito si Mang Kanor.

Pinagbuksan ako ni Mang Kanor ng pinto ng sasakyan tapos nag drive na kami papunta sa venue. Sa may shangri-la yung Venue kaya medyo malapit lang sa amin. Mga 40 to 50 minutes away.

Nakadating na kami sa Venue. Sinalubong kami ni mommy.

"Ang tagal niyo naman? Tara na pumasok na tayo." Salubong sa amin ni mommy then pumasok na kami. 

Pumasok na kami sa loob. Ang ganda ng decorations, very lavish. Ang ganda! May photobooth, may different layered cakes tapos naka-red carpet.

Nagsalita na yung host. Si Yves yung host, matagal na sa aming naghohost yan si Yves. Kaya trusted na.

"Goodevening everyone! I'm Yves and I'll be hosting the party for tonight. How's everyone? Are you having fun? are you enjoying the foods? hmmm, the foods tonight aren't ordinary foods, huh?" bati ni Yves sa mga bisita.

Sumagot lang in chorus yung mga bisita. Maraming tao, may mga business associates, may mga teacher from our school, may isang table na si Mel, Flip, Kriston at Ross lang yung nakaupo tapos mga friends nila mommy and daddy saka mga relatives.

"Tonight is not an ordinary night. This is the big, the best and the sweetest night for the princess of the whoooole Salazar family. Now, may we call on the Princess of this night?" tawag sa akin ni Yves.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon