Chapter 19

172K 1.5K 131
                                    

-Read and Vote-
-Unedited -

Zenia's POV

Haay! Ang aga ko naman magising! Sabado na! Anong oras na ba? Tumingin ako sa palagid kung saan may orasan pero walang orasan kahit saan ako tumingin. Bakit walang orasan sa kwartong to? Tinignan ko yung orasan ng phone ko. 6:05 am. O_O Bakit ang aga ko magising?

May unread mesages din ako pero number lang. Sino nanaman to? Binasa ko yung message.

Baby? tulog ka na ba? Di ako makatulog eh. Matulog ka na ah? :-*  Goodnight. save mo na number ko ah!

 


Ah si Justin pala. Okay, sesave ko na number niya. Masyado akong natutuwa ngayon! Kahit kasi napakamoody ni Justin, may time na sweet padin siya. Hindi rin nakakapagtaka na natagalan siya ni Ella. Sweet siya kahit masungit eh. August 31, naging kami. so, 31 monthsary namin. Ngayon ko lang uli naramdaman yung feeling ng may boyfriend. Girlfriend niya na ako, I need to fulfill my responsibilities as his girlfriend. Ano ba dapat ko gawin?

Bumangon na ako para makapaghilamos saka makapag toothbrush. After nun, bumaba ako para pumunta ng kitchen. I'm kinda hungry. They are still sleeping pa! Mga lasing kasi kagabi eh.

As I went to the kitchen, may nakita akong matandang babae. Nasa harap lang siya ng Fridge tapos parang may nililista.

"Ay good morning po! Gutom na po ba kayo?" Napansin ata nung matanda na, nakatayo ako sa gilid niya. 

"Goodmorning din po manang. Di pa naman po gaano?" sagot ko kay manang.

"Ah sige pagtitimpla nalang muna kita ng kape." Sagot ni manang. Nilapag niya yung hawak niya listahan sa may lamesa then she took some coffee from the coffee maker.

Umupo lang ako dun sa may gilid.

"Oh eto na ang kape. Ano nga palang pangalan mo?" tanong sakin ni manang habang inaabot yung kape.

"Ahm, Zenia po. Matagal na po ba kayo dito?" tanong ko kay manang. Gusto ko lang makipagkwentuhan.

"Ah oo. Kami ng asawa ko ang katiwala dito pati yung dalawang anak ko." kwento ni manang.

"Ah, edi kilalang kilala niyo po sila Justin?" 

"Ah oo. Dalawa silang magkapatid. Sila ng kuya niya." Kwento uli nung matanda. Huh? May kuya si Justin? How come I didn't know?

"May kapatid po si Justin?" 

"Oo, dalawang taon ang tanda kay Justin. Nasa states kasi eh." sagot ni manang sa tanong ko. So, Justin has a 20 year old brother?

"Oo, nagulat pala ako kahapon noong kayo'y dumating. Minsan lang kasi magdala ng babae si Justin. Nobya ka ba niya?" Huh? What's nobya? 

"Ah, nobya? Ano po yun?"

"Kumbaga, kabiyak? Girlfriend ganun." Explain sa akin ni manang. Ah, Girlfriend? Oo.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Where stories live. Discover now