Chapter 20 :D

172K 1.5K 222
                                    

-Read and Vote-
-Unedited -

Zenia's POV

"Zeeen!" May sumigaw na babae mula sa di kalayuan.

"Sino yun?" tanong sakin ni Justin. Akala ko ba tulog tong mokong nato? Parehas ata kaming nakikipagpakiramdaman.

Bumangon ako para lingunin yung sumigaw. Si Ross lang pala!

"Bakit?" sigaw ko habang lumalapit kay Ross.

"Hahahaha! Wala lang. Baka langgamin naman kasi kayo jan no!" sigaw ni Ross sa akin. Nakita kong bumangon din si Justin at papalapit nadin sa amin ni Ross.

"Anong problema?" tanong ni Justin kay Ross.

"Ah. Tumawag kasi sila Mang Kanor sa akin. Pinapauwi si Zenia eh? Hindi ko alam kung bakit." explain ni Ross sa amin. Ha? Bakit? Nagtext naman ako kay manang ah?

"Hindi talaga sinabi kung bakit?" tanong ko kay Ross.

"Ano daw nanyari?" tanong naman ni Justin kay Ross.

"Isa-isa lang! Pwede? Ewan ko pero pinapauwi kami ni Zenia eh. Can you drive for us?" sagot ni Ross sa amin. ano na kayang nanyari?

"Sige na. Kunin niyo na mga gamit niyo." sagot ni Justin pero parang naka pokerface siya. Is he mad? Naspoil ba namin ang weekend getaway?

Naglakad papunta si Justin sa kwarto niya at kinuha yung mga gamit niya. Wala nadin akong nagawa kung hindi magayos ng mga gamit ko. Ganun nadin siguro ang ginawa ni Ross kasi nagpunta din siya sa kwarto niya eh. Nako, ano kayang nanyari kila mang kanor? Usually naman kapag nagtext na ako na aalis kami ni Ross, hindi naman ganito eh. Hindi naman sila tumatawag just to tell us to go home.

Bumaba na ako sa sala para tignan kung nandun na sila Justin and Ross.

"Oy banana! Andun na sila Ross sa sasakyan. Ingat kayo ah? Susunod kami mamaya ni Mel." salubong sakin ni Flip. Wait, where's Kriston?

"Thank you. Eh si Kriston?"

"Ah nandun sa may cottage kasama si Mel eh. Uuwi nadin kami mamaya." sagot sakin ni Flip.

"ah sige una na ko." Paalam ko kay Flip tapos lumabas na ako ng bahay.

Nakita ko si Justin na nakasandal lang sa sasakyan niya tapos si Ross naman, kumakain ng snacks sa may bench. SInalubong ako ni Justin para kunin yung bag ko, He's still not in the mood. I can feel it. But he's gentleman, I guess.

"Dun ka na sa harap. Mukhang bad mood boyfriend mo eh." bulong sa akin ni Ross then sumakay na siya sa likod.

Justin started to drive the car na.

"Hmm. Sayang! Dapat Sunday morning pa uwi natin!" sigaw ni Ross mula sa likod.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon