Chapter 49

138K 1.2K 558
                                    

Zenia's POV

January 21. Hay, almost three weeks na kaming hindi nagpapansinan ni Justin! Simula ng bumalik ako dito galing England, hindi padin niya ko pinapansin.

Thursday ngayon and uwian na. Si Ross padin kasama ko umuwi. Okay na sila ni Kriston, nagsorry si Kriston sakanya eh. Samantalang kami ni Justin, hindi padin nagpapansinan. Three weeks! Matagal nadin diba?

Relasyon pa ba yung tawag dito? Walang communication. Oo, nagkikita nga kami pero hindi naman naguusap. hindi ko na talaga alam nanyayare sa aming dalawa.

"Sasabay ako sayo ngayon umuwi." Nakangiting sabi ni Ross. Hindi niya ba kasabay si Kriston?

"Hindi ka sasabay kay Kris?" 

"Hindi eh, maglalaro daw sila ng basketball nila Flip." Awww. Kaya pala? Magkakasama silang tatlo.

"Ah ganun ba? Ross, sa tingin mo kailangan ko na kausapin si Justin?"

"Hanggang ngayon ba, hindi padin kayo naguusap?"

"Hindi padin eh?" Nanglalambot talaga ako. Kung hahayaan ko lang na maging ganito kami, hindi na siguro talaga maaayos to.

"Simula nung umalis ka, hindi na kayo nagusap diba? Kailangan niyo na nga ata talaga magusap Zenia, ang tagal nadin eh?" 

Nalungkot ako bigla. Matagal nadin talaga kasi saka namimiss ko nadin yung dati, yung dating kami.

"Hay nako! Wag mo na isipin yan! Friday ngayon oh? Magka-club ata sila Kriston mamaya after nila mag basketball. Sama tayo!" Magka-club sila? Parang lalong pinapakita sakin ni Justin na masaya siya ng wala ako ah.

"Ayoko, sige kayo nalang." 

"Ano ka ba! Ang KJ mo! Kelan ba tayo huling nagclub? Wala ka ng social life ha?! Tama na muna aral! Saka dapat, ipakita mo din kay Justin kung ano yung binabalewala niya. Magpaganda ka! Mukha ka na kayang manang!"

"AYOKO!" 

/

\

/

\

/

\

/

\

/

10:30 pm.

 "Ang tagal naman nito ni Zenia!" rinig kong sigaw ni Ross mula sa labas ng closet ko.

Lumabas na ako ng CR.

Para siyang gulat  na gulat nung nakita niya ko. Seriously?! Eto talaga susuotin ko? Black dress na masyadong revealing sa harap and super fitted siya.

"Ayan! Show off your cleavage and curves! Hihi! Tumbok ng pwet, infairness!" sigaw ni Ross sakin.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon