Chapter 34

147K 1.2K 406
                                    

Zenia's POV

Ang tagal naman nila Kriston at Ross! Kanina pa ko naghihintay dito sa may labas ng bahay namin. Baka makita ako ni Justin na nandito ng ganito kaaga niyan eh.

Nakashorts pa naman ako tapos nilagyan ako ng konting make-up ni Ross kaya nakakapanibago.

*Beep!*Beep!*beep!

Yan na pala si Kriston and Ross. Nagpa-GAS pa kasi sila eh? Hindi naman kalayuan yung coffee shop pero baka daw kasi tumirik sa daan eh.

"Sakay na dali!" sigaw ni Kriston sa may bintana ng sasakyan niya.

Sumakay nalang ako sa likod. Tahimik lang si Ross, halatang galit si Ross ngayon kay Justin. Hays! Bakit hindi ko magawang magalit kay Justin? Bakit nangunguna padin yung love? Nangunguna yung sakit. Ang sakit palang masaktan. XD

Nakadating na kami nila Ross sa harap ng coffeeshop. Mukhang napaaga yung dating namin dahil wala pang katao-tao. 5:30 palang kasi eh.

"Uy iwan ko na kayo dito ah? Ayoko kasing isipin ni Justin na mas kinakampihan ko kayo. Tropa padin kami nun eh? Text niyo nalang ako kapag susunduin ko na kayo." sabi ni Kriston sa amin.

"Sige babe. Loveyou!" sigaw ni Ross kay Kriston habang bumababa ng sasakyan.

"Loveyoutoo!" sagot ni Kriston.

Bumaba na kami ni Ross ng sasakyan. Umandar na papalayo yung cotse ni Kriston.

"Kaya natin to!" Hinila na ako papasok ni Ross sa coffeeshop.

Umupo kami sa may dulo para hindi gaanong pansinin at hindi kita.

"Goodmorning ma'am! what's your order?" tanong samin nung waitress.

"Two coffee with cream." 

"Sige po ma'am, your orders will be served nalang po." 

Maya-maya lang, may isang grupo ng mga babae na yung pumasok.

"Here's your orders ma'am." sabi nung waitress habang nilalagay yung coffees na order namin.

Nakatalikod ako sa main entrance nung coffee shop tapos kaharap ko si Ross.

"Ayan na si Ella.Nakaupo siya sa table sa likod mo." bulong ni Ross tapos tinaas niya yung menu para hindi gano mapansin yung mukha niya. 

"Goodmorning ma'am. May I take your order?" narinig kong tanong nung babae. Malamang kay Ella yun!

"Amm, 2 black coffee. Thank you!" sagot ni Ella. 2? Dalawa? means? May kasama siya?

"Bestfriend. May papasok! Si Justin!" pabulong na sigaw ni Ross. tapos tinaas uli yung Menu para di makita yung mukha niya.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon