Chapter 26

156K 1.5K 329
                                    

Bago matulog kagabi, sinabi ko kay mommy na pauwi si daddy ngayong araw kaya eto. Abalang abala sila sa pagluluto. Si Justin lang ang kasama ko dito sa kwarto.

"Baby ko." tawag sa akin ni Justin. Baby is sweet but feeling ko ang corny pag tinatawag niya akong baby eh.

"Oh?" 

"Kiss mo naman ako oh." sabi niya tapos parang nag me-make face siya. Parang batang nanghihingi ng piso. Hahaha! Kiss? ASA.

"Tse!" sigaw ko sakanya.

"Sige na, isa lang. please?"

"Manahimik ka nga jan Justin!"

"Sige na baby!"

"Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo Justin!" 

"Baby, isa lang! Ang damot naman nito." 

"Manahimik ka!"

"Para kiss lang eh. Sige na!"

"Isa lang ha?" tanong ko sakanya. I'll forgive him BUT isa lang.

"Uhmmm, Sure ka isa lang? Baka magpaulit ka." tanong sa akin ni Justin. Aba? Mayabang to ha!

"ASA KA PA!" sigaw ko sakanya then I slapped him.

"Sige na please?"

"Isa lang Justin ha! Nako!"

"Oo nga?"

Tumayo si Justin. Ako naman, nakaupo lang sa may sofa ng kwarto ko. Lumuhod siya sa may sahig tapos tumapat sa mukha ko.

"siguraduhin mong isa lang ha!"

"Oo, pikit na."

Pumikit na ako. Our lips are just one inch apart ng biglang..

*tok*tok*tok!

"Ah! eh.. Sino yan?" tanong ko.

"Babyyy!" Familiar yung voice na sumigaw. Si Daddy? Si Daddy!

Pumasok si daddy sa kwarto.

"Baby!" sigaw ni daddy tapos niyakap ako.

"Dad! akala ko mamaya pa po kayo dadating eh."

"Kamusta na ang only daughter ko? Teka? Who are you?" tumingin si daddy kay Justin.

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon