Chapter 51

133K 1.3K 492
                                    

Justin's POV

February 13.

Ilang oras nalang prom na mamaya. Badtrip, di  nagtetext si Zenia. Di ko tuloy alam kung susunduin ko pa siya mamaya.

Nakakainis. Oo, naiinis ako sa sarili ko. Wala na atang araw na di kami nagaaway ni Zenia. Ewan, minsan nakakasawa na puro nalang away. Ang masama pa don, di ko alam kung bakit kami nag aaway sa mga wala namang katuturan na bagay. Minsan naman busy lang talaga ako sa company ng dad ko, para din naman sa future namin to ni zenia eh.

Potek, future agad iniisip ko.

Minsan dumating na sa puntong susuko na siya sakin kasi napaka-moody ko. Ewan ko ba, di naman sa di ko na mahal si Zenia. Sa totoo lang, di ko alam gagawin ko kapag nawala siya sakin pero dumadating lang siguro sa time na.. hay potek. .. Na minsan nagkakalamigan na.

Ganun naman talaga minsan eh. Nagkakalamigan sa isang relasyon, natural lang yon. Pero di naman ibig sabihin non, eh hindi niyo na mahal yung isa't isa. Ewan, basta ganun talaga minsan.

Gusto ko naman gumawa ng paraan para mapasaya si Zenia mamaya. Tama, di ko nalang muna susunduin si Zenia mamaya para surprise. 

Tinawagan ko si Flip. Hindi ako pwede magpasama kay Kriston kasi susunduin niya mamaya si Ross panigurado.

Sinagot niya na ung phone sa pangalawang ring palang. 

"Oh par baket?" 

"Dito ka na magayos sa bahay mamaya. Samahan mo muna ko bumili ng bulaklak." 

"Ha? ah sige. Dalhin ko na susuotin ko dyan mamaya tapos bili na tayo. Rush na par ah?"

"Kaya nga dalian mo."

"Yessir!" 

binaba ko na yung phone. Hayy, ano pa bang magandang surprise kay Zenia? Wala na ko maisip eh.

Chocolate kaya? Pshh. Masyado namang common. Flowers, di naman mawawala yun eh. 

Psh. Bahala na nga mamaya kung ano makita.

Dumating si Flip ng bandang mga 2. Dumiretso na agad kami sa may flower shop. 

White roses yung binili ko kasi alam kong mahilig si Zenia sa white and pink. Puro pink nalang kasi gamit niya sa kwarto kaya white naman. 29 roses yung binili ko, masyado tuloy malaki. Ewan ko nalang kung mabitbit pa ni Zenia to! hahahaha!

Pagtapos namin bumili ng bulaklak. Nagpunta kami sa mall ni Flip. Iniwan ko muna sa may flower shop yung flowers at babalikan ko nalang mamaya paguwi namin.

Ewan ko ba kung bakit kami napadpad ni Flip dito sa mall. Wala naman kaming bibilihin dito?

Secret Admire [Published under Viva Psicom]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon