Previous Page of 4Next Page

Secret Admire [Published under Viva Psicom]

spinner.gif

-Read and Vote-
-Unedited -

 

Zenia's POV

 

Toot*toot*Toot*toot*Alarm clock ringing!

 

"Ugh! Ang aga-aga pa!" sigaw ko habang pinapatay yung alarm clock.

 

*knock*knock*

 

"Pasok po!" sigaw ko sa kumakatok.

 

"Uy Zen iha! Nag alarm ba ang alarm clock mo? Tinext kasi ako kagabi ni Ross na gisingin ka ng ganitong oras. Maligo ka na." Sabi sakin ni manang habang nakasilip sa may pinto.

 

"Opo! sige po!"

 

I brushed my teeth a took a shower. Grabe naman tong si Ross! Ang aga-aga pa! 5 palang eh. Pagkalabas ko ng banyo, nakita ko si Ross na bagong ligo dahil naka bathrobe din siya tulad ko tapos may dala siyang make up kit saka blower saka iba pang pampaganda..

 

"Grabe! Ang aga mo naman!" sigaw ko sakanya.

 

"Ganun talaga! I told you! Ako bahala. I'm your boss today. Susunod ka lang okay?!" Huh? Anong pinagsasabi nito ni Ross? Saka teka? Lumabas siya ng nakaganyan?

 

"Oo na! Wait. Wag mo sabihing lumabas ka sainyo ng naka-bathrobe? konting kahihiyan naman diba?" sabi ko kay Ross.

 

"Ano ka ba! Ang aga-aga pa no! Wala pang tao sa labas saka tumakbo naman ako. Madilim pa kaya! baka ma-rape ako no!" sigaw niya sakin. "Osya! Wag na tayo mag waste ng time! Let's do this! Ikaw muna!" sigaw niya ulit.

 

Kinuha niya yung isang black fitted dress na binili niya sakin pati yung red close na heels.

 

"Suot mo tong dress!" utos niya sakin.

 

"HUH!? You okay?!" tanong ko sakanya. Ako pagsusuotin mo niyan?!

 

"Oo dali-dali! Ipakita mo naman yang balikat mo kahit papano! Ang puti-puti mo na eh!" sigaw niya sakin. Wala akong nagawa kung hindi sumunod. Sinuot ko yun sa harap niya. Bestfriend ko si Ross for some years kaya wala ng hiya-hiya and besides, she already saw me undress saka, makinis naman ako kaya wala akong dapat ikahiya.

 

"Uy Ross, paki zipper naman yung likod oh!" sigaw ko kay Ross habang inaasikaso niya yung mga make up niya.

 

"Sige wait." Sabi niya habang naglalakad papunta sa likod ko tapos sinara niya yung zipper ng dress. Grabe, mejo di ako makahinga! hindi naman sa masikip pero ganito talaga siguro yung feeling?

 

"Wow, grabe! Ang sexy mo pala talaga! Ang puti-puti mo pa!" sigaw niya sakin. OA makapag react.

 

"Grabe! Exag ka magreact! para namang di mo nakita to na sinukat ko dun sa store!" sigaw ko sakanya.

 

"Eh kasi, iba yung feeling kapag ikaw yung nagdre-dress eh! Kahit anong suotin mong dress, you look stunning! Siguro kasi sobrang bihira ka lang magsuot ng dress pero iba eh!" explain sakin ni Ross. 

 

"Grabe naman!"

 

"Oo kaya Zenia! maniwala ka! One word to describe you? hmmm. HOT!" sigaw niya ule.

 

"Oo na! Ang aga aga ang ingay mo." sabi ko sakanya habang tinatry isuot yung red heels.

 

"Oh siguro naman sanay ka na mag heels? Tuwing may business occasions naka heels ka! kaya wag mo ko echosin!" sigaw ni Ross. Sa totoo lang, hindi padin ako sanay magheels kahit sa mga occasions. Yung mom ko kasi gusto ako palaging nakaheels. I look like a model daw kasi.

 

"Di pa nga din eh. Pero carry ko to." sabi ko kay Ross. Sinaksak niya yung blower tapos pinaupo ako sa harap ng salamin ko. Pinatuyo niya yung buhok ko tapos kinulot niya na nakalugay pero one sided lang then she applied make up to my face. Naka-black eyeshadow ako tapos red lipstick. Red lipstick daw sabi ni Ross para match ng color sa heels ko.

 

Mga bandang 6:00 am natapos na ako magayos. Grabe, nagulat ako sa mukha ko. Para kasing hindi ako e.

 

"Grabe Zenia! You look stunning! You look hot! You look.. hmmmm.. Is that you?! Grabe! Ang galing ko pala mag make up! Grabe!" Reaction ni Ross sa mukha ko.

 

"Oo na! Oo na! Tapusin mo na pagme-make up mo sa sarili mo!" sabi ko sakanya.

 

Mga 6:45 am na natapos si Ross magmake up. Sandali lang siya nag make up kasi sanay na siya mag make up sa sarili niya. Natagalan siya magayos ng buhok niya kasi hindi niya alam kung anong style but she ended up making her hair tied up. Yung nakapusod pero may mga maikling hair strands sa gilid ng ear niya na parang nakakulot.

Previous Page of 4Next Page

Comments & Reviews (221)

Login or Facebook Sign in with Twitter


library_icon_grey.png Add share_icon_grey.png Share

Cast

Zayn Malikas Justin
Chloe Grace Moretzas Zenia
Francisco Lachowskias Kriston
Jessiann Lachowskias Ross
Lily Collinsas Mel

Who's Reading

Recommended